LUNGSOD NG BAGUIO – Hiniling ng mga opisyal ng lungsod sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin ang isang-taon na compliance period ng public utility vehicle (PUV) modernization program na papalit sa mga luma at kasalukuyang units sa limang taon mula sa pag-isyu ng kinakailangang provisional authority.
Sa ilalim ng Resolution No. 577, series of 2021 ay iginiit ng mga lokal na mambabatas na may pangangailangan para sa Department of Transportation (DOTr) na ikonsidera na ang time frame ng kasalukuyang implementasyon ng PUV modernization program na isang taon ay napakahirap o malayong mangyari para sa maliit o bagong tatag na kooperatiba ng transportasyon o mga korporasyon.
Tinukoy ng konseho na gaya ng maraming sektor na masyadong naapektuhan ng kasalukuyang pandemya ng Coronavirus Disease (COVID 19), ang sektor ng transportasyon ay may sariling mga oportunidad at pagkalugi sanhi ng pagpapatupad ng ibaibang travel restrictions at ito ay kauumpisa pa lamang na makabawi sa pagluluwag ng mga nasabing restriksiyon.
Gayunman, idinagdag ng konseho na ang kasalukuyang pag-uumpisa ay hindi katumbas ng pinansiyal na kapasidad upang makakuha ng kinakailangang units na papalit sa mga luma at kasalukuyang sasakyan sa loob ng isang taon.
Nauna dito, nag-isyu ang LTFRB ng Memorandum Circular (MC) No. 2021-021 na nagtatakda ng mga panununtunan para sa pagiisyu ng provisional authority sa mga unit ng individual operators na may nakabibin na aplikasyon para sa pagsasamasama at mga hindi nakapagpila ng aplikasyon para sa konsolidasyon alinsunod sa mga panuntunan ng Omnibus Franchising at mga paamaraan sa kuwalipikasyon at pagpili ng mga aplikante.
Isa pa, ang mga pamamaraan sa pag-isyu ng provisional authority ng nasabing direktiba ay nagsasabi na ang pinagsamasamang entidad ay dapat sumunod sa gawang pagpapalit ng luma at kasalukuyang mga units sa loob ng isang taon na panahon alinsunod sa nasabing kautusan.
Ayon sa circular, sa loob ng peryodo na 6 na buwan, 25 porsiyento ng kabuuang bilang ng authorized units ay kailangan na napalitan na, habang sa 9 na buwan, 50 posriyento ng kabuuang bilang ng authorized units ang dapat nang napalitan at sa 12 buwan, 100 posriyento ng kabuuang bilang ng authorized units ay kailangang napalitan na.
Sa information campaign na kamakailang isinagawa ng kinauukulang mga tanggapan ng lokal na gobyerno, ang iba’t-ibang transport cooperative ay nagsumite ng isang petisyon na humihiling na ang lubos na implementasyon ng PUV modernization program ay ipagpaliban dahil sa umiiral na limitasyon sa pinansiyal ng iba-ibang public utility vehicle cooperative at korporasyon at ang sektor ng transportasyon ay hindi pa nakakabawi mula sa mga epekto ng kasalukuyang krisis sa kalusugan.
Bukod diyan, hiniling sa petisyon na ang lubos na implementasyon ng PUV modernization program ay ikalat sa isang 5-taon peryodo sa halip na isang taong peryodo na nakapaloob sa nasabing kautusan ng LTFRB.
Nakita ng konseho ang merito ng kahilingan ng sektor ng transportasyon at ito ay bibigyanpansin na karamihan ng transport cooperative ay bagong-tatag at nasa pag-aaral pa at panahon ng transisyon at walang sapat na pondo o pagkukunan upang mabigyan ng pagkakataon na makakuha sa kinakailangang modernized units maliban kung tutlong ang gobyerno bilang kanilang guarantor.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN
December 11, 2021
December 11, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025