Lungsod alarmado sa pagtaas ng mga kaso ng pang-aabuso sa bata

LUNGSOD NG BAGUIO – Nababahala ang mga city social welfare worker sa nakitang pagtaas ng mga kaso ng pang aabuso sa mga bata sa first quarter ng taon na nagudyok sa pamahalaang lungsod na magsagawa ng mahigpit na koordinasyon sa at pagpapalakas ng mga barangay council para sa proteksiyon ng mga bata (BCPC).
Sinabi ni City Social Welfare and Development Office (CSWDO) officer-incharge Liza Bulayongan na para sa first quarter ng taon, mayroon ng 34 na naiulat na kaso ng child abuse na may 21 babaeng biktima habvang 13 ay mga lalake.
Sinabi niya na una ang sexual molestation sa mga pangaabusong ginawa laban sa mga bata na may 18, sinundan ng 9 na kaso ng physical abuses, 6 na psychological abuse cases at 1 neglect.
Noong nakaraang taon, iniulat ng CWDO ang nasa 95 kaso ng pang-aabuso sa bata na nangyari sa iba;t-ibang barangay sa lungsod.
Sa mga naabusong mga bata noong nakaraang taon, 762 ay mga babae at 23 ang lalake na nasa pangangalaga na ngayon ng iba’t-ibang shelters. Nangunguna pa rin ang sexual abuse sa may pinakamaraming bilang ng naiulat na mga kaso ng pangaabuso sa bata sa naabing parehong panahon na may 48 sinundan ng 34 kaso ng pisikal na pang-aabuso, 7 psychological abuse cases – 7 at neglect cases – 6.
Para sa children in conflict with the law, nakapagtala ang CSWDO ng 34 kaso sa first quarter ng taong ito na pagnanakaw ang pinaka-karaniwang krimen na ginawa.
Mula Enero hanggang Disyembre 2021, nasa 70 kaso ng children in conflict with the law ang naiulat kung saan 45 ang hindi naipila at 25 naipilang mga kaso laban sa mga nahuling salarin.
Isa pa, pinagdiinan ni Bulayongan na sa kalagayam ng child in conflict with the law cases, may 42 mga kaso ang sumasailalim sa intervention, 15 mga kaso ang sumasailalim sa diversion program, 6 ang may suspended sentence, 5 kaso ang sumasailalim sa paglilitis at 2 kaso ang pinalaya ang suspek on cognizance.
Ang mga pagkakasalang nagawa ng mga nahuling mga lumabag na kabataan ay kasama ang physical abuse na may 23, sinundan ng theft – 15, sexual abuse at paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Law – 8 bawat isa, trespassing – 6, murder, homicide, paglabag sa RA 7610 o ang Antichild Abuse Law at illegal gambling – 2 bawat isa at paglabag sa RA 8369, paglabag sa RA 10627, paglabag sa RA 9995 at paglabag sa RA 9262 o ang Violence Against women and Children Act – 1 bawat isa.
Sa ilalim ng sektor ng kabataan, onihayag ni Bulayongan na ang local youth development council ay nagpapatuloy na isinasagawa ang kanilang regular quarterly meetings upang talakayin ang mahahalang mga isyu at alalahanin na kinakailangang epektibo at mahusay na matugunan.
Pinangunahan din ng nasabing konseho ang isang blood-letting activity noong Marso 12, 2022 na may 61 donors kung saan ang mga nabenipisyuhan sa nasabing aktibidad ay mga bata at kabataan na nangangailangan ng suplay ng dugo.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon