Lungsod ng Baguio – Siniguro ni Mayot Benjamin Magalong na ang lungsod ay gumagawa na ngayon ng karagdagang control systems upang masiguro ang mahigpit na pagsunod sa Coronavirus disease (COVID-1) health and safety measures sa panahon ng mga aktibidad.
Umani ng batikos ang pamahalaang lungsod dahil sa paglabag sa health protocols sa pagbubukas ng Christmas in Baguio at ang muling pagbubukas ng night market noong Disyembre 1.
Tinanggap ng mayor na mayroong pagkukulang sa crowd control sa panahon ng programa sa pagpapailaw sa Christmas tree na umakit ng maraming tao na nag-umpisa ng 6 n.g. at gayundin sa operasyon ng night market na tumagal mula 8 n.g. hanggang 11:30 ng gabi.
Sa kaniyang talumpati sa Christmas tree lighting program, inako niya ang lubos na responsibilidad para sa insidente.
Sinuspinde rin niya ang operasyon ng night market ng sumunod na araw upang bigyan-daan ang pagsasa-ayos ng mga istratehiya.
Sinabi niya na ang lungsod gaya ng ibang local government unit ay natututong umagapay sa new normal na paraan at patuloy na gumawa ng isang pantay na aksiyon sa pagitan ng muling pagbubukas ng ekonomiya at pagprotekta sa mga tao mula sa virus.
“Right now, we will make sure that there are more systems in place to avoid a repeat of the incident,” aniya.
Nangako si City Tourism Operations Officer Aloysius Mapalo na mas pagbubutihin nila sa susunod na mga aktibidad na gagawin ng lungsod na sinabng ang insidente noong Disyembre 1 ay isang “learning experience for us to do better and improve management next time.”
“This is part of the healing process wherein people are looking of normalcy. We can only do better next time,” aniya.
Inamin ni Market Superintendent Fernando Ragma Jr. na nabigo silang hulaan ang dami ng tao na papasok sa night market.
”We failed to forecast the spillover of the Christmas in Baguio attendees and we failed to anticipate the excitement of the locals to go out of their homes from months of being told to stay home,” aniya.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
December 7, 2020
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025