LUNSOD NG BAGUIO, NAGBIGAY-PUGAY SA MGA RETIRADONG KAWANI

BAGUIO CITY

Nagbigay-pugay ang Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa mga retiradong kawani nito na nag-alay ng maraming taon ng dedikadong
serbisyo sa pamamagitan ng programang “Salamat Mabuhay.” Kinilala ang kanilang mga kontribusyon, pagharap sa mga hamon, at mga tagumpay na nakamit sa kanilang mga panunungkulan. Ang kanilang walang sawang dedikasyon, masipag na pagtatrabaho, at positibong enerhiya ay nagsilbing inspirasyon sa lahat, at nagpayaman sa buhay ng maraming mamamayan.

Sa seremonya, pinarangalan ang mga sumusunod na retirado: Fortunato L. Saganib – City Treasury Office (34 taon), Engr. Orlando Gendve – City Engineering Office (33 taon), Benjamin B. Dumahay – City General Services Office (25 taon), Robert F. Catbagan – City
Buildings and Architecture Office (24 taon), Isabel L. Abrod – Health Services Office (25 taon), Noel C. Mendoza – City Veterinary and Agriculture Office (37 taon). Ang pagkilala na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga kawaning nag-alay ng kanilang buhay sa serbisyo publiko.

Daniel Mangoltong / UB Intern

Amianan Balita Ngayon