“MAARING KAGAGAWAN DIN NG TAO ANG PAGLINDOL?”

Hindi malayo ang pinsala ng July 16, 1990 “killer quake” kung ikukumpara sa July 27, 2022 “Abra quake”. Hindi kalayuan ang sukat sa Richter Scale na 7.8 noong 1990 at 7.3 noong Miyerkoles lamang. Libong tao ang namatay
noong 1990, pasalamat tayong iilan ang nasawi ngayon. Ngunit ang pinsala sa pribado at pampublikong ariarian,
lalo na sa epicenter nito sa Abra, ay halos parehas ang dagok ng lindol noong Miyerkoles. Maari pang lumala
ang mga pinsala dahil niyayanig pa rin ng mga lindol ang ilang bayan ng Abra at karatig-pook.

Ayon sa siyensya, hindi malalaman kung kailan tatama ang lindol na karaniwang sanhi ay ang paggalaw ng tectonic
plates sa ilalim ng lupa o pagsabog ng bulkan. Ngunit ayon sa pananaliksik na nailimbag sa Seismological Research Letters noong 2017 sa National Geographic, natunton ang 730 lugar kung saan kagagawan ng tao ang nagdulot ng mga paglindol sa 150 taong nakalipas. Itinuturo ang mga minahan (37%) at water impoundment ngmga dams (23%) ang pinakaraniwang sanhi ng “induced earthquakes” at untiuntiring napapatunayan na pati na rin unconventional oil at gas extraction projects na gumagamit ng hydraulic fracturing ay nagtri-trigger ng paglindol.

Bakit hindi nga pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at mga policy-makers itong nasaliksik na ito upang
stratehikong mapagtanto paano babawasan ang kapahamakan tuwing lumindol? Mainam nga sigurong pagisipan
mabuti bago isakatuparan ang mga karaniwang tinataguriang “development projects” gaya ng commercial mineral
explorations at dambuhalang geothermal dams lalo na’t ang ating bansa’y nasa Pacific Ring of Fire kung saan madalas ang pagsabog ng mga bulkan at paglindol. Sana umabante tayo ng ilang hakbang mula sa “relief
and rescue mindset” tungo sa disaster mitigation dahil ika nga— bawat buhay ay mahalaga.

KATIPUNAN

Amianan Balita Ngayon