” MAAYOS NA NGA BA ANG PAMAMAHALA NG BENECO? “

Pinasok ng National Electrification Administration (NEA) at ang NEA-appointed General Manager ang Benguet Electric Cooperative (Beneco) upang maipatupad ang ilan sa mga pagbabago na tutugon sa
maraming isyu sa loob ng kooperatiba. Matatandaan na ayon sa internal audit ng NEA noong 2019-2020 ng NEA sa Beneco, ang pondo at resources ng kooperatiba ay “misused” ng Board of Directors. At kahit pa
nga suspended ngayon ang pitong BOD at ang OIC GM, naglalabas pa rin sila ng mga kautusan at nagawa pang makapag-withdraw nang napakalaking pondo mula sa isa sa depository bank ng kooperatiba.

Hindi ba kalapastanganan ‘yan? Hindi iginalang ng karamihan ang utos ng NEA na sundin ang mga ipinag-uutos nito. Sa katunayan, sa isang kumalat na screenshot ng isang group chat conversation, ipinag-utos ng suspended OIC GM na huwag pumasok ang mga empleyado nitong nakaraang Lunes na mistulang nais ipahiya ang NEA at ang bagong appointed na GM. Walang empleyadong pumasok kahit pa nagpalabas ng kautusan ang NEA na pumasok sila. At dahil d’yan, apektado ang operasyon ng kooperatiba. Iyan ba ang makamember consumer owner (MCOs) o mas pinapaboran ng mga suspended na opisyales ang kanilang pansariling interes?

Mayroon ding kumalat sa social media na pag-uusap ng mga ilang opisyal at empleyado ng Beneco na kung saan binabalak nilang iparalisa ang operasyon ng kooperatiba sa pamamagitan ng “pagsasara” ng ilang vital electric posts. Ito ba ay pagpakita nang maayos ng pamamahala sa Beneco? Ang magaling na manager ay gagawa ng pamamaraan upang maisayos ang mga isyu sa kanyang opisina at hindi pahihintulutan ang ganitong mga gawain na lalo pang dadagdag sa problema.

Sa isang isinagawa umanong “peaceful assembly” noong Miyerkules, pinilit pinasok ang opisina sa South
Drive ng suspended GM at ilang empleyado. Ito ay klarong pambabastos sa batas at pagwawalang galang sa pagsasaayos at pagbabago. Mistulang ang pansarili lamang nilang interes ang kanilang pinahahalagahan, na nagkukubli sa umano’y kapakanan ng mga kasapikonsumer. Ayon naman kay Baguio City Mayor Benjie Magalong, “why fix what is not broken”.

Pero Mayor, ang NEA audit report at ang mga nababasa at nasasaksihan natin ay hindi ba patunay na may “broken?” Tayo ay “governed by laws and not by men” ika nga. Mukhang may “broken” sa values at principles ng iba! Hindi ba maliwanag na pinipigilang magtalaga ang NEA ng bagong pamunuan sa Beneco dahil ayaw ng mga “tiwali” na mabago ang kabuktutan sa kooperatibang pinamunugaran nila?
Ngayon, masasabi bang maayos ang pamumuno sa kooperatiba?

Amianan Balita Ngayon