MABABANG TURN-OUT VOTING NG BSKE SA BAGUIO-COMELEC

BAGUIO CITY

Ang All Saints Day o Undas ang nakikitang dahilan kung bakit mababa ang turn-out ng voting sa naganap na Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa siyudad ng Baguio noong Oktubre 30.
Ayon kay Baguio Election Officer Atty.John Paul Martin, mas mainam kung first week o second week ng Oktubre naganap ang eleksyon na malayo sa pagdiriwang ng Undas. “May mga iba kasi mas ginusto na habaan ang kanilang bakasyon,kaya linggo pa lang umuuwi na sa kani-kanilang
probinsya at hindi na bumoto sa lungsod.”

Sa kabuuang 169,711 registered voters sa Baguio City, na kinabibilangan ng 75,700 male at 94,305 female, ay nasa kabuuang 89,854 o’ 53.01 percent lamang ang bumoto. Samantala, hindi pa
malinaw kung ano ang magiging hakbang ng Comelec sa 16 barangay na walang kandidato sa SK Chairman at Kagawad, na kinabibilangan ng Barangay Quezon Hill Proper, City Camp Proper, Engineers Hill, DPS Compound, Lower General Luna, Hillside, Mines View, Harrison-Carantes, Upper QM, Magsaysay Private Road, Quirino Magsaysay Lower, Lower Lourdes, Balsigan, Atok
Trail, Country Club Village, at Aurora Hill North Central.

Ipinaliwanag ni Martin na base sa Section 5 ng Republic Act 11768, ang bagong amendment sa SK Reform Act of 2015, na naging epektibo noong May 6, 2022, ay may mga proseso sa pag fill-up ng mga bakanteng posisyon, tulad ng succession o’ pag-appoint ng Officer-in-Charge na aayon sa
probisyon ng batas. Ibig sabihin, sa mga barangay na walang kandidato para sa SK chairman, subalit meron kandidatong Kagawad ay sa kanila pipili na mataas na boto para maging chairman. Sa mga barangay naman na walang kandidato sa SK chairman at kagawad ay hindi pa malinaw kung magsasagawa pa ng Special Election o’ susundin na lang ang SK Reform Act of 2015 sa
pamamagitan ng appointment.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon