Pinasalamatan ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mabilis na pagtugon sa reklamo ng lungsod sa biglaang pagpapalit ng police chief.
Tinutukoy ng mayor ang madaliang aksiyon ni PNP Police Director General Oscar Albayalde sa pag-urong sa appointment ng officer-in-charge sa lungsod (OIC city director) at pagbalik kay dating Baguio City Police Director Senior Supt. Ramil Saculles sa tungkulin, habang nire-review ni Albayalde ang listahan ng eligible city police heads.
“We are not questioning if there is a need to change the posting of policemen, as they can be assigned anywhere in the country. However, they should also recognize that there are rules in the local government code and the PNP that give the local government the opportunity to be consulted in the screening of who will head the police force and implement the peace and order programs in the city,” ani Domogan.
Sinabi nito na ang biglaang pagpapalit sa city police chief hindi nauukol lalo pa at hinaharap ng lungsod ang panganib ng spillover ng kasalukuyang away sa pagitan ng dalawang tribu mula sa Kalinga, dahil ang ilang taga-Kalinga ay nandito sa lungsod upang mag-aral o di kaya’y magtrabaho.
Subalit, sabi ng mayor, ang mga Kalinga tribesmen ay signatories ng peace pact na nagsasabing ang Baguio ay isang peace zone, at hindi dapat maidamay sa kanilang alitan.
Sinabi ni Domogan na ang national government mismo ang humihikayat ng koordinasyon sa mga ahensiya at sa komunidad.
“Sabi ng batas, coordinate. It is a matter of courtesy and respect, especially so that it is the officials of the city who are blamed by the residents if there are peace and order problems in the community,” aniya.
Kumalat ang balita noong Hunyo 28 na na-relieve si Saculles sa kaniyang puwesto bilang Baguio City police director.
Hanggang Hulyo 2, walang natatanggap na komunikasyon ang lokal na pamahalaan sa pagpapalit ng police leadership. Subalit hapon ng parehong araw, isinagawa ang turnover, at ipinalit si Senior Superintendent Gerardo Omayao, dating chief of police ng Makati, bilang OIC city director ng Baguio.
Itinuring ni Domogan ang turnover na “unceremonious” at nag-aalalang makakaapekto sa peace and order situation ng lungsod. Agad siyang nakipag-ugnayan sa Palace officials at sa PNP headquarters. Gayundin, nagpasa ng resolusyon ang konseho na akda ni Councilor Edgar Avila na hinihimok ang PNP upang liwanagin ang proseso ng pagpapalit ng namumuno sa police force ng lokalidad.
Pinaalalahanan ni Domogan ang pamunuan ng PNP na ang officer-in-charge ng police force sa Baguio ay dapat isang tao na alam ang geographical landscape ng lungsod.
Aniya na sa kapag ang peace and order situation ng isang lokalidad ay nagulo, kadalasang ang mga lokal na opisyal ang sinisisi. Kaya naman, diin niya, kilangang may kaalaman ang lokal na pamahalaan sa kilos ng sarili nitong police force.
Nakatanggap ang mayor ng sulat noong Hulyo 3 mula kay Albayalde na nag-uutos ng pagwithdraw ng appointment ni Omayao sa Baguio at nag-utos na pabalikin si Saculles bilang pinuno ng city police. PNA / ABN
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025