Mabisa at murang Covid -19 test kit, mabibili na

Mas mapapabilis na ngayon ang pagdetekta ng coronavirus disease (Covid-19) gamit ang isang test kit.
Ang test kit na eto ay kayang ikumpirma kung positibo and isang tao sa Covid- 19 sa loob lamang ng 30 minuto at malayong mas mura kesa sa ginangamit na real time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR). Eto ay maari ng mabili sa ma nga botika ngayon.
Ang Standard Q Covid-19 Antigen Test Kit na gawa ng SD Biosensor ng South Korea at na-aprobahan na pwedeng gamitin ayon sa Food and Drug Administration ay kayang makapagbigay ng resulta sa loob lamang ng 15-30 minuto habang ang resulta ng RT-PCR test ay maaaring makuha sa loob ng dalawa o tatlong araw.
Sa halagang P1,000, eto ay mas malayong mura sa RT-PCR na mabibili sa halagang P3,000. Ang RT-PCR ang test kit na aprobado ng Department of Health na ginagamit sa mga molecular laboratories.
Ang mga specimen ay kinukuha gamit ang Nasopharyngeal Specimen o swab test at may Sensitivity na 96.52 porsiyento at Specificity na 99.68 porsiyento.
Ang positibong resulta sa antigen test kits ay nangangahulugan na positibo sa Covid-19 ang isang tao at hindi na kailangang sumailalim sa pagsubok ng RT-PCR. Ang test kit na eto ay ginagamit sa mga bansang gaya ng Brazil, India, Guatemala, Malaysia, Europe at mga bansang Aprika. Ang Brazil at India ang pangalawa ant pangatlong bansa na may pinakamadaming kaso ng Covid-19 na pinangunahan ng Estados Unidos, ayon as World Health Organization.
Ngunit ang test kit na eto ay kailangang masama pa sa “algorithm and diagnostic flow” sa Pilipinas na pati si Kalihim Karlo Nograles ay medyo sangayon sa paggamit nito at ang Inter-Agency Task Force ay pinagaaralan kung ipasatupoad ang paggamit neto. Ang lokal na distributor ng test kit ay ang Trulaboratories Corporation na pwedeng matawagan sa numerong +633 4511964 at 74.
Sa ngayon, mahigit na 85,000 na Pilipino na nag pangunahing gustong gawin ng DoH ay matigil ang pagkalat ng coronavirus upang mabigyan tuon ang pagbigay kaling sa mga patyenteng may Covid-19.
 

Amianan Balita Ngayon