MAG-ASAWA, HULI SA BAGUIO CITY BUY-BUST OPERATION

BAGUIO CITY

Isang mag-partner na dumayo pa sa siyudad ng Baguio para magbenta ng shabu, ang nasakote sa buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Regional Special Enforcement Team (PDEA-CAR RSET) sa bahagi ng
Burnham Park, Baguio City, noong Abril 1. Kinilala ni PDEA Regional Director Derrick Arnold C. Carreon ang mag-asawa, isang 40-anyos na lalaki at isang 26- anyos na babae, kapwa tubong Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Carreon, naka transaksyon ng kanilang agent ang mga suspek at napag-kasunduan na sa Baguio City, kaya’t nagpanggap silang
turista upang makisali sa kanilang mga aktibidad sa ilegal na droga. Nadakip ang mga suspek matapos na magbenta ng heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride sa isang undercover na operatiba. Nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang 50 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P340,000. Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon