MAGALONG INATASAN ANG CBAO MADALIIN ANG DEMOLITION SA MGA ILLEGAL STRUCTURE

BAGUIO CITY

”Let us expedite the demolition process. Sobrang pambabastos na yan sa LGU,”ito ang naging tugon ni Mayor Benjie Magalong sa isinagawang media forum kamakailan lamang sa Cityhall. Ito ay matapos magsagawa ng serye ng inspection sa mga gusali na kung saan ay tila naging “photographer” na rin si Mayor Magalong dahil siya na mismoa ang kumukuha ng mga larawan sa mga gusali na iligal na nakatayo at walang kaukulang dokumento.

Binigyan din ni Mayor Magalong ng mga larawan ang tanggapan ng City Building and Architecture Office (CBAO) upang Makita nila mismo ang mga gusali na walang kaukulang dokumento o iligala na itinayo ng mga may-ari nito. Nakita rin diumano ni Mayor Magalong ang isang gusali sa Marcos Highway na kasalukuyang denidemolis ng CBAO na may sukat na 200 square meter.

Ayon kay CBAO Architect Homer Soriano ang naturang gusali ay walang building permit na kung saan ay sinabihan nito ang mga trabahador na itigil na ang pagtratrabaho sa nasabing gusali dahil naibigay na ang unang Notice of Violation . Nakarating din sa tanggapan ni Magalong ang isinasagawang construction  activities sa may City Camp barangay na kung saan ay may mixer ng semento na sa kalsada pa umano ito isinasagawa at napansin ng ng concerned citizen na walang safety gear ang mga trabahador nito.

Idinagdag pa ng nagrereklamo na hindi patas ang mga gawaing ganito dahil ang ibang nagpapatayo ng gusali ay sumusunod sa patakaran ng syudad na kumuha ng kaukulang building permit ngunit ang gusaling ito sa City Camp barangay ay wala umanong kaukulang building permit. Sa panig ng CBAO ayon kay Sorian magsasampa sila ng demanda sa may-ari ng nasabing gusali dahil sa pagtanggi nito na sundin ang nasabing notice of violation.

Kung kayat sinabi ni Mayor Magalong na “Let us expedite the demolition process. Sobrang
pambabastos na yan sa LGU,” Bukod dito ay isinireport din ang kasalukuyang pagtatayo ng infrastructure sa Pyramid Cemetery na matatagpuan sa Upper Atok Trail na kung saan ay sinabi ng mga concerned citizen na kailangan na malaman ito ng lokal na pamahalaan. Iniulat din na kailangan na ma-inspeksyon di umano kung mayroong building permit ang iCordillera Convention Center ng Baguio Country Club at ang isang gusali sa may Asin Road barangay

Amianan Balita Ngayon