MAGALONG IPAGPAPATULOY ANG GOOD GOVERNANCE PARA SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

“Kung ano ang ipinakita namin noon, yon pa rin ang ipapakita namin ngayon. Kami ay patuloy na magtatrabaho para sa isang sustainable at resilient Baguio City at patuloy naming isusulong ang mabuting pamamahala nang walang katiwalian kung saan ang mga pinuno ay hindi namumuno nang may kasamaan ngunit may karangalan.” Ito ang naging pahayag ni Mayor Benjamin Magalong sa kanyang inaugural speech, matapos ang kanyang oath taking na ginanap sa Baguio Convention and Cultural Center. Ayon kay Magalong, sa bagong kabanata ng kanyang administrasyon, ipagpapatuloy niya ang pangako ng isang malinis, tapat at bukas na pamahalaan na marunong magtrabaho sa nasasakupan nito.

Sisiguraduhin niya ang bawat desisyon ay para sa kapakanan ng nakararami, hindi lamang ng iilan at patuloy na ipaglalaban ang pamahalaang may malasakit at tunay na matino. “Hindi namin kayo pababayaan, hindi kami susuko sa prinsipyo ng mabuting pamamahala, ang tinatawag nating Good Governance.” Aniya, ipagpapatuloy niya ang kanyang vision of a livable, inclusive and creative city by 2043. “Mapapasa ito sa aking termino, ngunit sama-sama tayong nagtatag ng matatag na pundasyon. Patuloy nating bubuo ang ating pitong core
agenda, ang environment, land use and energy, climate and disaster resilience, urban regeneration, youth empowerment, sustainable economic and development, smart city management and most importantly Good Governance.”

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon