MAGALONG MULING NANALONG MAYOR, DOMOGAN NAGBALIK NA CONGRESSMAN

BAGUIO CITY

Nanatili ang Good Governance sa katauhan ni Mayor Benjamin Magalong, matapos manalo sa ikatlong termino, samantalang sa nakalipas
dalawang magkasunod na eleksyon na pagkatalo ni Atty. Mauricio Domogan ay nagbalik ito bilang Congressman ng siyudad ng Baguio.
Milya-milya naman kalamangan ni re-elected Vice Mayor Faustino Olowan mula sa botong 86,302, sa katunggali nito si Mylene Yaranon na may botong 35,338. Si Magalong ay nakakuha ng botong 55,497, kontra sa botong 43,732 ni Mark Go. Si Congressman Go, ay personal na na nagtungo sa BCCC, para mag-concede at batiin ang pagkapanalo ni Magalong, maging si Isabelo Cosalan ay nagmano at bumati kay Domogan. “Ang tagumpay na ito ay hindi sa akin lamang; ito ay isang tagumpay para sa bawat residente ng Baguio na naniniwala sa matapat na pamamahala, inklusibong pamumuno, at isang pananaw para sa isang mas mahusay, mas progresibong lungsod.

Maraming salamat sa inyong tiwala, katapangan, at pagmamahal sa ating lungsod. Ngayong humupa na ang ingay ng halalan, panahon na
para ibaling natin ang ating lakas tungo sa pagkakasundo, pagkakaisa, at pinagsasaluhang layunin. Isang-tabi na ang bangayan. Bumangon tayo sa pagkakahati-hati at sa halip ay tumuon sa pagtutulungan, pagsuporta sa mga pinunong pinili ng mga tao, at pagpapatuloy sa paglalakbay ng napapanatiling pag-unlad para sa ating minamahal na Baguio,” ito ang naging pahayag ni Magalong.
“ Let’s forgive and forget sa mga nasaktan dahil sa bangayan sa panahon ng kampanya. Panahon ngayon para paglingkuran ng mahusay ang siyudad ng Baguio. Maraming salamat sa muling tiwala na ipinagkaloob Ninyo,”pahayag ni Domogan. Ang mga nanalong city
councilor ay sina No.1 Edison Bilog (58,218), No.2. Joel Alangsab (57,174); No.3 Jose Molintas (56 196); No.4 Leandro Yangot (55 972); No.5 Vladimir Cayabas (53,461); No.6 Peter Fianza (51,602); No.7 Van Dicang (49,434); No.8 Fred Bagbage (48,642); No.9 Paolo Salvosa (48,544); No 10 Lourdes Tabanda (47,807); No.11. Yuri Weygan (47,054) at No 12 Elmer Datuin (46,036).

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon