Magalong nakakuha ng tulong pangkalusugan mula kay Sen. Poe

LUNGSOD NG BAGUIO – Maaaring makakuha ang mga mahihirap na pasyente ng Baguio General Hospital at Medical Center (BGHMC), Emergency Room (ER) at ng Outpatient Department (OPD) ng tulong medikal na nakuha ni Mayor Benjami Magalong mula kay Senator Grace Poe.
Inihayag ng mayor noong Oktubre 15 ang paglabas ng pondo na nagkakahalaga ng PhP1 milyon mula sa senadora na tinanggap ang pakikipagtuwang sa alkalde ng lungsod upang maitaguyod ang pakay ng gobyerno na magbigay ng libreng serbisyo sa kalusugan sa mga residente ng lungsod na matinding nangangailangan ng tulong medikal.
Sinabi ng mayor na nakipag-ugnayan ang kaniyang opisina sa Medical Social Work Department ng BGHMC na ayusin ang tulong pinansiyal. Mula Oktubre 21 hanggang Disyembre 31, 2019, tatanggap ang opisina ng mayor ng mga kahilingan mula sa karapat-dapat na mga pasyente sap ag-isyu ng isang referral letters upang makakuha ng tulong medikal.
Kailangang magsumite ang mga pasyente ng mga sumusunod na dokumento : originally signed Certificate of Indigency mula sa kanilang mga barangay, valid identification card, medical abstract/certificate, billing statement and/or doctor’s prescription to the City Mayor’s Office during office hours (8am to 5pm).
Upang masiguro ang kuwalipikasyon ng mga aplikante ay susuriin ang pagiging totoo ng mga isinumiteng dokumento.
 
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon