Magalong nakiusap sa provincial hospital na gamutin ang ibang COVID patients

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakiusap si Mayor Benjamin Magalong at City Health Officer Dr. Rowena Galpo sa mga ospital sa mga probinsiya kung posibleng gamutin ang non-critical patients kabilang ang mga pasyente ng Coronavirus disease (COVID-19) na may digaanong malalang sintomas.
Ito ay upang maibsan ang Baguio General Hospital and Medical Center sa pag-aalaga sa non-toxic patients habang pinapasan ang mas malaking responsibilidad sa paggamot ng mga nahawa ng COVID-19 na mga pasyente na nasa kritikal na kondisyon.
“If the patients are not serious and if they can be managed in their levels, then provincial hospitals don’t have to refer these patients to BGHMC anymore to avoid overwhelming the facility,” ani Galpo.
Sinabi ni Galpo na kahit ang COVID-19 persons under monitoring at under investigation (PUMs at PUIs) na may mild signs at sintomas kabilang ang mga sasailalim sa testing ay hindi na kailangang dalhin agad sa BGHMC.
Sinabi niya na ang blood samples ng mga pasyente para sa testing ay maaaring ipadala na lamang sa sub-national testing center ng ospital.
Sinabi ni Galpo na nag-aalala sila na ilang mga ospital sa labas ng lungsod ay ipinapadala pa ang mga may di-gaanong malalang sakit sa ospital na nagdudulot ng di-kinakailangang pagsikip.
Sa kaniyang bahagi, sinabi ni Mayor Magalong hindi intensiyon ng lungsod na ipagtabuyan ang mga pasytenteng nangangailangan ng atensiyong medikal lalo na sa isang mataas na uring ospital gaya ng BGHMC.
“However, in these crucial times when we are faced with a serious health crisis, we pray for understanding from hospitals in our neighboring provinces to consider the plight of BGHMC and helps ease its burden,” apila ng mayor.
 
APR-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon