LUNGSOD NG BAGUIO – Natuwa si Mayor Benjamin Magalong noong nakaraang Lunes sa pagsampa ng mga kaso laban sa mga pulis na sangkot sa muling pagbebenta ng mga nakumpiskang iligal na droga sa Pampanga anim na taon na ang nakakaraan.
Kabilang sa mga kinasuhan ay si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na inihain ng Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice.
“Siguro may nakita na rin na ebidensiya laban sa kanya, nararapat lang dahil nga kailangan panagutan niya,” ani Magalong. Si Albayalde na dating Pampanga police chief ay kinasuhan kasama ang 13 na kaniyang dating mga tauhan.
Si Magalong na dating hepe ng CIDG ay kinilala ang mga pulis at mga opisyal ng police na sangkot sa muling pagbebenta ng mga iligal na droga sa isang executive hearing ng Seanado nitong nakaraang buwan.
“Ilan pa na mga tao, kabataan ang nabiktima noong ibinalik nila yung 160 kilograms na shabu sa merkado, napakaraming naapektuhan noon, thousands ang naapektuhan noon, hundreds of thousands pa,” pahayag ni Magalong sa isang press conference.
Sa gitna ng mga alegasyon ay bumaba sa puwesto si Albayalde bago pa ito magretiro mula sa aktibong serbisyo sa Nobyembre 8.
PNA/PMCJr.-ABN
October 28, 2019
October 28, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025