BAGUIO CITY
Ipinagmalaki at buong-pusong hinangaan ni Mayor Benjamin Magalong ang mga matatalinong botante bilang patunay sa paniniwala sa
kanyang isinusulong na Good Governance sa siyudad ng Baguio. “Nais kong ipaalala sa inyo na ang Baguio City ay nagiging modelo ng mabuting pamamahala sa buong bansa, mga ibang local government units, ibang lokalidad, ibang mga mamamayan ng probinsya at lungsod, ay nakatingin sa lungsod ng Baguio,” ito ang naging mensahe ni Magalong sa naganap na flag raising ceremony sa City Hall.
Ayon kay Magalong, hinimok nito ang mga mamamayan na huwag payagan ang mga corrupt politicians, extortionist politicians, magnanakaw na politicians, mga sinungaling na pulitiko na sirain ang reputasyon ng lungsod. “This should as a lessons to all those corrupt politicians at yong mga trapo na politicians o trapo.” Aniya, hindi kayang paglaruan ng mga pulitikong ito ang isip ng mga taga-Baguio, dahil mas marami ang matatalinong botante sa lungsod at mas marami ang hindi naniniwala, kaya naman ang katotohanan ay nanaig. “Nandito ang inyong Alkalde at ang iba pang good governance politicians na nagpapanatili sa mahusay na pamamahala para sa siyudad ng Baguio.
Sinabi pa ni Magalong, na sa kauna-unahang kasaysayan ng Baguio City ay bumaha ng pera. “Are we going to allow that to happen to the city?, first time din na sobrang kasinungalingan ang ikinalat na systematic in a very systematic sustain, orchestrated and deliberate manner.” Aniya sa mga tiwaling politiko na ito para sirain ang reputasyon ng mga kandidato, ay hindi na mangyayari. Ipinagmamalaki din ni Magalong na ang Baguio City ay naiiba sa ibang lugar, na tinitingala ng mga tao, kahit na ang ibang bansa ay tumitingin sa lungsod ng Baguio at nanawagan sa mamamayan na huwag payagan na sirain ito ng mga pulitikong corrupt.
Zaldy Comanda/ABN
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025