MARTSA SA ULAN – Hindi alintana ng mga kasapi ng Kilusang Mayo 1 ang buhos ng malakas na ulan, para lang isigaw na maisulong ang mataas na sahod ng manggagawa at. Mga karagdagang trabaho sa sa mamamayang Pilipino.
By Lorie Bernadette T. Laririt/ABN
BAGUIO CITY — Daan-daang manggagawa ang tumindig sa malakas na ulan at nagmartsa sa Lungsod ng Baguio, noong Hunyo 30, 2025, para sa mas mataas na sahod, mas marami pang trabaho para sa mga Pilipino. Ang aksyon ay pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno pagkatapos ng kanilang matagumpay na Pambansang Kongreso. Partikular, nais nilang itaas ang pambansang minimum na sahod sa P1,200 bawat araw. Kasabay nito, hinihiling nila ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Nagsusulong din sila ng pagtatapos ng contractual hiring upang mas matiyak ang seguridad sa trabaho.
Isa pang pangunahing hinihingi ay ang karapatan ng mga manggagawa na sumali at makabuo ng matatag na unyon. Sa kabila ng malakas na ulan, patuloy na isinasagawa at sumisigaw ang madla ng kanilang panawagan at mensahe. Inilahad ng KMU ang kanilang adhikain para sa tunay at makabayan na unyon ng mga manggagawa sa bansa. Hinihimok nila ang mga kabataan na maki-isa sa pakikibaka ng mga manggagawa. Ang kanilang protesta ay naging malinaw na simbolo ng pagkakaisa ng mga manggagawa sa buong bansa. Sa huli, sila ay nananawagan ng makatarungang pagtrato at mas magandang pag-unlad para sa bawat Pilipino.
By Lorie Bernadette T. Laririt UC-Intern
June 4, 2025
June 2, 2025
May 28, 2025