Mahirap bang sundin ang iniuutos ng Diyos?

Ang relihiyon at politika ay mas lalong nagiging magkaugnay. Ang tumataas na antas ng tumitiwalag sa relihiyon ay isang matinding epekto sa karapatang panrelihiyon kung saan maraming Pilipino ang iniiwan ang relihiyon dahil nakikita nila ito na isang pagpapalawak ng politika na kanilang tinututulan. Binabago rin ng politika ang pananaw ng mga tao sa relihiyon.
Nagkaroon ng pagbabago sa porsiyento ng mga naniniwala sa relihiyon dahil sa umaapaw na pagtutol nila sa imoral na pribadong pag-uugali ng mga politiko ngunit ngayon ay iwinawaksi na nila ito na walang kaugnayan sa kanilang abilidad na kumilos na may etika sa kanilang pampublikong pagganap. Ang pamumulitika ng relihiyon ay hindi lamang nakakaambag sa mas malawak na pagkabaha-bahagi at binabawasan ang abilidad ng mga lider ng relihiyon na malapropetang magsalita sa mahahalagang mga isyung pampubliko.
May magagawa pa ba ukol sa pamumulitika ng relihiyon? Maaari siguro mabago ito kung sa ano ang nagbubunsod sa mga makamundong reaksiyon. Ito ay kulang ang ginagawa ng mga lider ng relihiyon at mas lamang ang asal ng mga politiko. May mga reaksiyon ang mga tao kung ang usapan ay ang paggamit ng mga politiko ng mga panrelihiyong pananalita subalit walang katulad na epekto kung ang isang taong simbahan ay namumulitika.
Hindi kasing-nababahala ang mga botante sa mga lider ng relihiyon na tumatawid sa politika kaysa mga politikong umangkop sa relihiyon.
Maaaring may katapusan ang napupulitikang relihiyon kung babaguhin ng mga politiko ang kanilang pag-uugali, lalo na kung hindi na nila gagamitin ang relihiyon upang manligaw ng mga botante.
Subalit may kabalintunaan dito, ang mala-propetang boses ng mga lider ng relihiyon ay naikokompromiso ng gawa ng mga politiko. Subalit ang kabalintunaang ito ay maaaring magturo sa isang solusyon na halimbawa ay tanggihan ng mga lider ng simbahan ang mga politiko at magsalita laban sa pagsasanib ng Simbahan at Gobyerno?
Ibig sabihin nito ay walang pagpapakita ng mga pari o taga-simbahan sa mga aktibidad ng kampanya, walang imbitasyon para sa politiko na magsalita sa kanilang bahay-sambahan, kapilya o simbahan, walang sumusuportang talumpati, mga artikulo, posts o tweets sa social media. Ibig sabihin din nito na inilalagay sa alanganin ng mga politiko ang kritisismo mula sa mga lokal na taga-simbahan – sariling mga pari ng mga botante, mga pastor at ministro – na subukang paghaluin ang relihiyon sa kanilang politika.
Habang ang pagtanggi ng mga taga-simbahan ay maaaring isang mahalagang panimula ay hindi ito sapat. Magkakaroon lamang ng pagbabago kung babaguhin ng mga politiko ang kanilang lumang gawi, na sa una ay tila napaka-imposibleng mungkahi dahil sa nakaraang henerasyon ay naging masyadong nakatanim ang relihiyon sa ating politika.
Babaguhin ba ng mga politiko ang mga bagay na gumagana para sa kanila? Sabihin pa, ang mga politiko ay kilalang gagawin ang lahat upang sirain ang kasalukuyang kalagayan kung saan sila ay nahalal.
Ang pinakamabisang panghikayat ay kung ang mga botante na nasa gitna at sa tama lalo na ang mga relihiyoso ay hindi papansinin ang mga politiko na gumagamit ng relihiyon. Kung tatangging iboto ng mga botante ang mga nagbibigay ng pera, o kampanya sa ngalan ng mga politiko na sinasamantala ang relihiyong paniniwala, ang mga politikong ito ay dagling mag-iiba ng tono.
Ang ganitong negatibong reaksiyon mula sa mga tao ay magiging pinakamalakas na pagganyak sa lahat dahil walang politikong hihiwalay sa kaniyang baluwarte.
Ang pagtapos sa napupulitikang relihiyon ay at panrerelihiyon sa politika ay kinakailangan ng ibayong pagtaas sa kamalayan.
Ang maka relihiyon at makamundo ay kapuwa nangangailangang kilalanin na ang pagsasanib ng relihiyon at politika ay kapuwa nagbabanta sa kalagayan ng pagpaparaya sa relihiyon sa bansa at pagpapatahimik sa potensiyal ng relihiyon na maging isang propetang boses.
Kung ang ilang grupo ng nagsasabing sila ay Kristiyano at nagnanais na itanim sa pamamagitan ng gobyerno ang ating paniniwala ay mas nakakaangat kaysa iba, iginugupo at sinisira nito ang pangunahing prohibisyon ng konstitusyon ukol sa paghihiwalay ng simbahan at estado.
At kung ninanais nating gamitin ang gobyerno upang makialam sa mga gawaing panrelihiyon, likas na pinapahina nito ang pambihira at natatanging karakter ng kaharian ni Kristo.
Pinapayagan natin na maghalo ang politika at kristiyanismo sa ating ikapapahamak at mas malala pa ay nanganganib ang ating demokrasya at ating mga simbahan.
Napakalinaw ng binabanggit sa Exodus 20:7 na “Huwag ninyong gagamitin ang pangalan Ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan Kos a walang kabuluhan”. At sa Mateo 22: 21 ,”Kung gayon ibigay kay Cesar kung ano ang kay Cesar at sa Diyos kung ano ang sa Diyos.” Kung hindi natin kayang unawain at sundin ito ay marahil wala tayong karapatang matawag na isang “kristiyano”.

Amianan Balita Ngayon