LUNGSOD NG BAGUIO
Ibinunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Cordillera na isa sa mga dahilan ng problema sa
pangangalap ng estadistikang datos sa kabundukang rehiyon ay ang mahirap na kalupaan nito.
Inamin ni Aldrin Bahit ng PSA na ang kalupaan ng Cordillera ay ibang-iba sa ibang mga rehiyon, ‘ito ay nakakaapekto kung paano (namin) ipapatupad ang mga trabahong pangangalap ng ahensiya.’ Inamin pa ni Bahit na dahil sa kakaibang kalupaan n rehiyon, may mga programa ang
gobyerno na hindi katugma at praktikal sa Cordillera.
Idinagdag niya na may mga lugar na liblib at ang mga bahay ay magkakalayo. Kaya naman, inamin ni Bahit, ‘in order to deliver needed and appropriate services in difficult to reach areas, a bigger budget is required, leading to Bahit’s proposal to recalibrate PSA’s budget. Ito, pagdiriin niya, “to
sustain the big expenses on data collection activities.” Bagaman, sinabi ni Bahit, sa gitna ng mabako at mahirap na mga hamon na hinaharap ng gobyerno sa pangangalap ng estadistika, ang
pakikipatulungan ng mga tagaCordillera ay nakakatulong sa kanila na matapos ang kanilang
mga trabaho. Tinukoy niya ang likas na matulunging pag-uugali ng mga Cordilleran sa mga
enumerator na tumutulong sa trabahong pagkalap ng mga estadistiko.
(AAD/PMCJr.-ABN)
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023