Nagkakamali ang mga promotor ng sugalang nagkalat sa Pangasinan kung inaakala nilang sangkalang-legal ang ibinabang desisyon ng Korte Suprema kamakailan kung saa’y maari nang magpa-bingo sa mga barangay sa ngalan ng fiscal autonomy. Sapagkat ang mga
“peryahan-sugalan” o “pergalan” sa Alcala, Asingan, Binmaley, Bautista, Binalonan, Calasiao, Mapandan, Mangaldan, Manaoag, Malasiqui, Pozorubio, Rosales, San Fabian, San Jacinto, San Nicolas, Sison, Tayug, at Umingan ay hindi simpleng palaro upang kumita ang mga bayang ito, kundi upang mapuno ang mga bulsa ng lingguhang payola ang mga protector nito.
Maging ang mga siyudad gaya ng Lungsod ng San Carlos, Dagupan, Alaminos, Lingayen at Urdaneta ay pinamumugaran ng pergalan at iba pang maaring maisip ng mga masisibang operator ng sugal na ipinagkikibit-balikat lamang ng kapulisan na dapat nangangalaga sa kaayusan ng mga pamayananang nabanggit. Kung mala-alpabeto ang mga bayan-bayang “pergalan”, apat na letra lamang o monopolyo nila “Engr. Flores”, Alvin Magat, magkapatid na Roland at Rene Ibasan, at Ronald Oldac ang mga sugalan na ikinabubulag, ikinabibingi at
ikinapipipi ni Pangasinan police director Col. Rollyfer Capoquian.
Samantalang tatlong letra lamang ang pinag-uumpisahan ng mga nakadikit kay Col. Capoquian bilang tagalikom ng lingguhang payola — “Alyas Pidlaoan”, “Alyas Castro” at “Alyas De Vera”. Lubos na ikinabahahala ang hindi lamang pagkalulong sa sugal ng mga mamamayan ng Pangasinan, lalo na ng kabataan, kundi pati sa nagbabadyang paglaganap ng kapatid nitong droga. Kung talamak ang paggamit ng droga ng mga tauhan ng mga “pergalan” na nag-o-operate hanggang madaling araw upang gising, hindi kalayuang pati ang mga parokyano ng mga “peryahan-sugalan” ay malulong din sa pagsinghot ng mala-pulbong shabu upang kapwang gising hanggang madaling araw. Hindi kalayuang hindi na lamang pugad ng iligal na sugal ang mga “pergalan” sa Pangasinan, kundi pugad na rin ito ng droga.
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
April 26, 2025