“MALA-PELIKULANG GANAP SA BULACAN”

Tila nawala na ang paghanga kay Bulacan Governor Daniel Fernando ng mga “fans” niya mula sa Cagayan province hanggang sa mga provinsya ng Gitnang Luzon, lalo na sa Zambales na kapitbahay lamang ng kanyang probinsya.
Napag-uusapan kasi sa mga Kapitolyo ng mga nasabing lalawigan ang isinampang graft case sa Ombudsman laban sa kanya, pati ang Bise Gobernador nyang si Alex Castro at iba pang opisyal ng Bulacan, ukol sa Bulacan River Restoration Project na ini-award sa TCSC.

Nagulat ang lahat nang biglaang isinapubliko ni Gov. Fernando noong Abril 29 sa Edsa Shangri-La Hotel sa
Mandaluyong bago pumasok ang buwan ng Mayo, isang taon bago ang eleksyon ng Mayo 2025. Ang “script”, kahit walang gastusin ang Bulacan, may nakaindicate na P500M na halaga ang proyekto. Palibhasa daw dating artista
si Gov. Fernando, ngunit mahina ang binasang “script” at hindi kapani-paniwala ang kinathang “storyline” na ipinagmamalaki.

Ayon sa mga taga Cagayan at Zambales, kung saan may kahalintulad na mga river restoration projects nina Gov. Manuel Mamba at Gov. Hermogenes Ebdane, hindi kapanipaniwala ang “script” ni Gov. Fernando dahil malaki daw ang kita sa river restoration, dahil ang mga ilog ay maraming itinatagong yamang black sand. Tuloy, kasama ang “theft of minerals” sa mga pinupunto ng graft case laban kay Gov. Fernando at iba pang opisyal pati TCSC.

Ipanapanalangin na lang ng mga “fans” ni Gov. Fernando sa Bulacan na hindi mabuking ng mga imbestigador ni Ombudsman Samuel Martirez ang mga paglabag sa naganap na pag-award ng proyekto at nilalaman ng kasunduan sa proyekto. Ipagdaaal na rin ng mga “fans” ng mga nasasakdal na opisyal na hindi umabot ang imbestigasyon at
resulta nito bago ang Mayo 2025, kundi’y tatakpan ang mga opisyal ng pinilakang tabing at hindi na makita pa sa aksyon.

Amianan Balita Ngayon