MALINIS AT LIGTAS NA KAPALIGIRAN MAKAKAYA SA PAGTUTULUNGAN AT PAGKIKIISA

Inanunsiyo ni World Health Organization (WHO) Global Ambassador for Noncommunicable Diseases and Injuries Michael R. Bloomberg ang mga nanalo sa 2025 Bloomberg Philantrophies Awards for Global Tobacco Control, kung saan ipinagdiwang ang mahalagang hakbang na ginawa sa pagpapatupad ng napatunayang mga pamamaraan upang sugpuin ang paggamit ng tabako, ang pangunahing sanhi ng preventable death sa buong mundo. Ang government at non-governmental organizations (NGOs) ay kinilala para sa kanilang nakamit sa paglaban sa paggamit ng tabako sa mga bansang India, Mauritius, Meico, Montenegro, Ukraine at ang Pilipinas.

Ang global tobacco control movement ay nakatulong na iligtas ang sampu-sampong milyong buhay na ito ay naging isa sa mga pinakamatagumpay na public efforts sa kasaysayan, ayon kay Michael R. Bloomberg, founder ng Bloomberg L.P. and Bloomberg Philantrophies, WHO Global Ambassador for Noncommunicable Diseases and Injuries, at ika-108 mayor ng New York City. Inihayag ng Bloomberg ang bagong $20 million Accelarator Fund upang tulungang isulong ang pag-unlad sa mga bansa kung saan itinayo ang kontrol sa tabako. Ang paggamit ng tabako ay kumikitil ng higit pitong milyong buhay bawat taon, karamihan sa low at middle-income na mga bansa.

Sa kabila ng isang buong mundong pagbaba sa smoking rates mula 22.8% noong 2007 sa 16.4% noong 2023, nasa isang bilyong tao sa buong mundo ang patuloy na naninigarilyo. Ang mga korporasyon ng tabako ay namumuhunan ng bilyon-bilyon kada taon sa marketing, kalimitang puntirya ang mga kabataan na walang-kamalayan sa mga panganib ng paninigarilyo. Ang Bloomberg Initiative to Reduce Tobacco Use ay ang pinakamalaking inisyatibo sa buong mundo na bawasan ang paggamit at isulong ang mga polisiya sa tobacco control sa low at middle-income na mga bansa, kung saan 85% ang pagkamatay na may kaugnayan sa tabako ay nangyayari.

Sa pamamagitan ng Bloomberg Initiative ay halos 829 bilyon na mas kaunting sigarilyo ang naibenta noong 2024 kaysa noong 2012; 328 na malakas na pambansang polisiya sa pagkontrol ng tabako ay nailatag, mataas sa 60 noong 2007; at tinatayang 35.2 milyong buhay ang nailigtas hanggang ngayon. Ayon sa isang bagong ulat ng World Health Organization na inilabas noong award ceremony, ang Global Tobacco Epidemic 2025, mahalagang pag-unlad ang nagawa upang mapababa abf paggamit ng tabako sa mga bans ana may pinakamataas na pasanin ng pagkonsumo ng tabako sa nakalipas na dalawang dekada.

Ang mga pangunahing istratehiya ay kabilang ang Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) at ang anim na napatunayang World Health Organization (WHO) MPOWER tobacco control measures upang bawasan ang paggamit ng tabako: Monitoring tobacco use and prevention policies; Protecting people from tobacco smoke with smoke-free air legislation; Offering help to quit tobacco use; Warning about the dangers of tobacco with pack labels and mass media; Enforcing bans on tobacco advertising, promotion and sponsorship; Raising taxes on tobacco. Natuklasan sa ulat ng WHO na mahigit 6.1 bilyong tao – higit tatlong kapat ng populasyon ng mundo – ay protektado ng kahit isang pamamaraan ng MPOWER, higit limang beses na mas mataas kaysa noong 20027.

Isa ang Lungsod ng Baguio sa tumanggap ng 2025 Bloomberg Philantrophies Awards for Global Tobacco Control, na nagtampok ng nakikitang pag-unlad sa pagpapatupad ng MPOWER, kung saan nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng Baguio sa medical school, nagtatatag ng isang public-private partnership model para sa patuloy na surveillance ng paggamit ng tabako. Itinakda ng programa ang isang pamarisan para sa hinaharap na national at subnational surveillance action, nagsisilbi bilang isang blueprint para sa ibang lokal na gobyerno na sumunod upang isulong ang parehong public health at non-health na pagtutulungan.

Tinanggap mismo ni Mayor Benjamin Magalong ang award kung saan sinabi nito ang pangako ng Lungsod ng Baguio sa community-based surveillance at mga inisyatibo sa clean air. Kinilala ang Baguio sa ilalim ng “M” category ng MPOWER strategy ng WHO, na nagtatguyod ng anim na pamamaraan upang bawasan ang paggamit ng tabako. Pinuri ang lungsod para sa pagpapatupad nito ng Global Youth Tobacco Survey (GYTS) at Global Adult Tobacco Survey (GATS), kung saan nakatulong hubugin ang mga lokal na polisiya.

Ipinatupad ng Baguio ang Smoke-Free Ordinance noong 2017, kung saan mahigpit na ipinatupad isang city task force sa Baguio. Nauna nang nakatanggap ng parehong pagkilala ang lungsod noong 2018. Tunay na sa mahigpit at tapat na pagpapatupad ng mga ordinansa at ang lubos na pakikipagtulungan gayundin ang pakikiisa ng mamamayan ay makakamit ang isang malinis, ligtas na lungsod na sana’y magtuloy-tuloy hanggang sa mga susunod na panahon at henerasyon, dahil kapag malusog ang mamamayan ay malusog din ang kapaligiran at pamumuhay. Congratulations Baguio!

Amianan Balita Ngayon