“MALUSOG NA PUSO SA BUWAN NG PEBRERO”

BAGUIO CITY

Malusog na pamumuhay susi sa malusog na puso . Isa sa mga killer disease na nangunguna sa bansa ay ang sakit sa puso na nagiging sanhi nang hindi maayos na pamumuhay bunga ng ibatibang bisyo sa buhay subalit ito ay maaring maiwasan kung susundin ang pag-iwas sa mga pagkain na matataba at mga bisyo gaya ng alak at sigarilyo. Ayon kay Dr. Hazelene Ramos ng Baguio General Hospital and Medical Center na kung saan ay ipinaliwanag sa harap ng mga lokal na organisasyon ng media sa lunsod na kung saan ay ang pagkakaroon ng sakit sa puso na pangunahing “killer disease “ hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo ito ay inilabas ng isang survey at research group noong 2021 at 2022 ng Philippine Statistic Authority.

Ani Dra. Ramos ang “ Ischaemic heart disease is a disease in which the coronary arteries are narrowed from plaque build-up, while heart attack happens when there is a rupture of plaque causing complete blockage of the coronary arteries”., “Heart attack “ ito ang kadalasang factor ng heart disease na kung saan ay nagiging coma ang ilang pasyente o nangingiwi at umuurong anmg kamay at mga paa. Sinabi rin ng research na kadalasang nakakaranas ng heart attack ay nasa edad 55 anyos pataas na minsan nalalaman sa diagnose na maaring may history ang pamilya o dulot ng masasamang bisyo.

Sa kanyang pagpapaliwanag sinabi rin ni Dra Ramos na “There are also modifiable risk factors that can be prevented through a healthy lifestyle, such as diabetes, high blood cholesterol, stress, high blood pressure, overweight or obesity, cigarette smoking and alcohol consumption, physical inactivity, and an unhealthy diet”. “There are more modifiable than the non-modifiable risk factors.

Ibig sabihin nito marami pa tayong pwedeng magawa o mas marami pa tayong pwedeng gawin para maiwasan ang heart attack,” dagdag pa ni Dra. Ramos. Pinaka importante ang pagkakaroon ng maayos na lifestyle modification maayos na a healthy diet, pagkakaroon ng exercise, stress management,pag-iwas sa paninigarilyo management ng blood pressure at pagkontrol sa diabetes . Ang buwan ng Pebrero ay buwan ng malusog na puso at pag-iingat sa kalusugan ng bawat Pilipino.

(CCD/PIA CAR)

Amianan Balita Ngayon