BAGUIO CITY – Inuutos ngayon ang mandatory test sa lahat ng mga government at private employees working on-site, kabilang ang public utility vehicle drivers na ayaw magpabakuna na sumailalim sa coronavirus disease (COVID-19) testing na dalawang beses sa kada-buwan na sariling gastos.
Ang kauutuasang ito ay mula sa Executive Order No. 159-2021 na inisyu ni Mayor Benjamin Magalong noong on Nobyembre 29 bilang pagsunod sa derektiba ng national Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ang testing requirement sa mga public utility jeepney at taxi drivers ay nakapaloob naman sa Executive Order No. 160-2021 sa ilalim ng Alert Level 2 guidelines ng siyudad.
Ang tests ay sa pamamagitan ng RT-PCR o antigen ay patuloy na isasagawa hanggang ang isang empleyado ay magpasiyang tumanggap na
ng vaccine dose.
Kapag ang isang empelyado na tumangging magpa-second dose hanggang lumagpas ang prescribed period ay muling sasailalim sa mandatory regular testing.
Sa mga workers o’ individual na ayaw magpa-bakuna dahil sa health reasons ay kinakailangang kumuha ng medical certificate sa City Health Services Office para sa exemption ng bimonthly test requirement, pero isasailalim pa rin sila sa test kada-quarterly sa CHSO.
Inatasan ng City Health Services Office ang Permits and Licensing Division, the Safety Seal Inspection Team at Public Employment and Service Office para sa implementasyon ng executive order.
Ang mga establishments at institutions na mahuhulihan ng mga hindi bakunadong empleyado ay irereport sa Dept. of Labor and Employment, Dept. of Interior and Local Government, Civil Service Commission at sa iba pang departments para sa kaukulang aksyon.
Zaldy Comanda/ABN
December 7, 2021
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025