Market development project, masusunog uli?

Apr 27, 2022

Sa isang press release ay sinabi at binigyan-diin ng dating mayor ng Lungsod ng Baguio na si Mauricio Domogan na ngayon ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod na ang panukalang multi-billion market development project na isinusulong ng lokal na gobyerno ay may maliwanag na legal na mga kahinaan kaya ito raw ay imposibleng maisakatuparan ngayong taon na siyang ipinangako.
Itinawag-pansin ni Domogan na ang pundasyon umano ng panukalang market development project na ang Ordinance No. 038, series of 1995 na ang itinakda na mga panuntunan para dito ay umiiral pa rin, kaya anumang aksiyon ng lokal na gobyerno sa bagay na ito ay dapat daw nakaayon sa umiiral na mga probisyon ng nasabing hakbang.
Sinabi pa ni Domogan na habang naisaayos ng lokal na gobyerno ang ordinansang Public-Private-Partnership for the people na mamamahala sa implementasyon ng iskemang public-private-partnership, ayon sa kaniya, ang nasabing pangkalahatang ordinansa ay hindi
naman sinusugan o pinawalang-bisa ang espesipikong ordinansa na nagtakda ng mga panuntunan kung paano isakatuparan ang  development ng pampublikong pamilihan ng lungsod.
Isa pa raw ay may ilan ding pagkukulang sa pagsasagawa ng proseso sa pagpili na maaaring magresulta sa teknikalidad na siguradong makakaantala sa implementasyon ng ninanais na development ng city public market sa oras na maisakatuparan ito kung saan nakumpirma na ng konseho ang kontrata na papasukin ng lokal na gobyerno at developer na mapipili sa kasalukuyan proseso ng pagpili.
Idinagdag ni Domogan na malamang na hindi mangyayari ang panukalang market development project ngayong taon dahil sa nakakapagod na proseso. Idiniin ni Domogan na ang konstitusyunalidad ng Ordinance No. 038, series of 1995 ay pinagtibay ng Korte Suprema (SC) kaya ito raw ang siya pa ring pangunahing basehan para ituloy ang market development at huwag gumamit ng iba pang umiiral na pamamaraan upang makalusot sa kung ano ang napagpasiyahan ng pinakamataas na korte sa bansa.
Sa kabilang banda ay ipinaliwanag niya na sa kaso ng Uniwide na isinailalim sa “receivership” ng Securities and Exchange Commission (SEC), na ang mosyon para sa paglabas ng “writ of execution” para dito ay nakabinbin pa sa korte, kaya, anumang aksiyon na ginagawa ng lokal na gobyerno ay maaaring maging tahasang paglabag dito.
Nagbabala pa ang dating alkalde na kung anumang kakulangan na magagawa sa implementasyon ng market development ay siguradong kukuwestiyunin ng mga kinauukulang sektor na magiging sanhi ng matinding pagkaantala sa realisasyon ng proyekto na maaaring tumagal ng mahigit isang dekada katulad ng nangyari sa kaso ng Uniwide, kaya, kaya may pangangailangan para sa lungsod na maging maingat kung paano magpatuloy sa proyekto na maging kasiya-siya sa interes ng lahat ng partido at ng publiko.
Kabilang sa 10-point agenda ni Mayor Benjamin Magalong sa tatlong taon niyang pagupo bilang punong ehekutibo ng lungsod ang market modernization upang gawin ang walang alinlangang Summer Capital ng bansa na isang mas magandang Baguio.
Ang 10-point agenda ni Mayor Magalong ay : Speeding Up Government Action, Revitalizing The Environment, Innovating Peace and Order Condition, Aggressive Traffic Management, Responsive Education Program, Empowering the Youth, Expanding Health and Social Services, Responsible Tourism, Enlivened Culture, Arts, Crafts, and Heritage at Market Modernization.
Bilang isang mahusay na abogado ay maganda at nakakamulat, gayundin natututo tayo sa paliwanag at babala ni Domogan. Subalit sa ilang taon nang inaayos ng administarsyon ni Magalong ang pagkakaroon ng realidad ng market modernization ay bakit ngayon lang nagsalita at nagbigay ng pananaw si Domogan?
Hindi naman maikakaila na umiinit na ang takbo ng kampanya sa lungsod kung saan nakikitang mahigpit silang magkatunggali ni Magalong sa pagka-alkalde ng lungsod ng Baguio sa darating na Mayo 9 at hindi mabahiran ng pamumulitika ang kaniyang pahayag na tila “sinusunog” niya ang “nakakabuwelo” nang city market development project.
Anuman ang rason at pakay ng pahayag na ito ni Domogan ay mabuti na ring bigyan-pansin ito at baka nga may nakaligtaan at pagkukulang sa isinasagawang proseso na baka mapunta lang sa wala ang pinagpaguran na sa hulihan ay mamamayan ng Baguio ang maiiwan uli sa pagkalito at higit ang pagkasayang ng pera ng lungsod.
At sinuman ang papalarin sa magiging hatol ng mga botante ng Baguio sa Mayo 9, ay huwag sanang hahayaan na muling maantala ng napakatagal ang modernisasyon at pagsasaayos sa pampublikong pamilihan ng Baguio kung saan nakahihigit ang pagsaalang-alang sa interes ng lungsod at ng publiko kaysa pansariling interes.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest