Mas marami pang modernong Barangay Halls itatayo sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Mas marami pang barangay multi-purpose halls na may modernized features ang itatayo sa lungsod matapos makumpleto ang ostruktura sa Bakakeng Central na nagsisilbi ngayon bilang pamantayan (standard) para sa kaparehong mga proyekto.
Ang ikalawang proyekto, ang West Quirino Barangay Hall ay halos handa na ipang iturn over, ayon kay City Administrator Bonifacio Dela Peña. Parehong sumailalim sa inspeksiyon ang dalawa noong Abril 28.
Ang Irisan Barangay Hall ay kasalukuyang ginagawa at puntiryang matatapos din sa taong ito habang ang plans and estimates para sa Engineers Hill at Bayan Park Barangay Halls ay isinasapinal na ngayon.
Sinabi ni City Buildings and Architecture Officer Arch. Johnny Degay na ang West Quirino Hill at Irisan halls ay mas maliit ang sukat ngunit magkakaroon din ng parehong features kagaya ng Bakakeng Central.
Sinabi ni Degay na ang Bakakeng Central hall ay nakumpleto na maliban sa finishing touches gaya ng bakod, landscaping at generation system.
Nakakuha ang istruktura ng mga positibong feedback mula sa mga residente para sa kahanga-hangang kalidad at features na magsisilbing modelo para sa lahat ng barangay hall sa lungsod na inisip ni Mayor Benjamin Magalong.
Isinama nito ang iba pang amenities gaya ng basketball court, evacuation center, day care center, senior citizens office at iba pa.
Palaging binibigyan-diin ng mayor ang kaniyang pangunahing layunin na itaas ang uri ng inmplementasyon ng mga proyekto sa imprastruktura sa lungsod upang siguruhin ang kalidad at kasama sa mga prayoridad ang modernisasyon ng mga barangay hall.
Sa nakaraang mga taon kahit habang sa kasagsagan ng pandemya, aktibong naghanap ang mayor ng mga pondo upang maipatupad ang unang barangay hall project at nakakuha naman ng mga pondo mula kay Sen. Bato Dela Rosa at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Layon niyang magtayo ng isang istruktura sa bawat barangay. Sinabi ni Degay na nakakuha sin ang mayor ng pondo para sa dalawa pang barangay hall projects sa Engineers Hill at Bayan Park at nasa pagplaplano na ngayon habang ang iba pa ay nasa pipeline.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon