Mataas ang pag-asa para sa turismo ng Baguio na makabawi sa pagbubukas ng tourist registration

LUNGSOD NG BAGUIO – Mataas ang pag-asa para sa turismo ng lungsod na makabawi sa hakbang ng lungsod na muling buksan ang tourist registration simula Oktubre 25 matapos ang dalawang-buwan na pagsubsob dulot ng pagtaas ng mga kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) dahil sa Delta variant.
Ngunit umuusad ang lungsod na may pag-iingat upang masiguro na ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente ay hindi maisaalangalang lalo na sa patuloy nab anta ng Delta variant.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na habang ang lungsod ay nakuhang maibaba ang mga kaso sa pagbibigay ng ilang kalayaan upang luwagan ang mga restriksiyon, ipagpapatuloy ito “dahandahan, ligtas at sigurado” sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kuwalipikasyon at
requirements para sa nagbibiyaheng naglilibang.
Sinab niya na ang tourist registration ay magiging limitado para sa mga fully vaccinated at mga negatibo sa test na mga menor de edad na miyembro ng pamilya na sasailalim pa rin sa requirements gaya ng pre-approved registration sa online enlistment platform visita.baguio.gov.ph, at iba pa bago sila payagan na makapasok.
Ang monitoring para sa mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), gaya ng wastong pagsusuot ng face mask at shield, social distancing at madalas na hand sanitizing ay ipapatupad din sa parehong mga turista at establisimiyento bilang bahagi ng safety measures.
“Hopefully our reopening will spur economic activity in our city particularly our tourism industry which was heavily impacted for the past two months because of the restrictions that we imposed to manage the cases,” pahayag ni Magalong sa mga mamamahayag noong Oktubre 25.
Umaasa siya ng ang pagbaba ng mga kaso ay magpapatuloy upang mabigyan ng parehong pahinga ang health care system ng lungsod at bintana ng pagbawi para sa sector ng ekonomiya.
“It has not been easy but as we have been doing since the pandemic started, we will continue to strike a balance between managing our cases and giving premium to the health and safety of our constituents on the one hand and keeping our economy afloat and sustaining the people’s livelihood on the other,” aniya.
Sinabi ng mayor na kinikilala ng lungsod ang mga pagsisikap ng mga health worker nito at kinokonsidera ang kanilang kalagayan.
“They needed rest from the recent surge that is why we did not reopen too early and first made sure that the decrease in cases is sustained in the past two weeks para makapagpahinga naman ang mga health workers natin,” ani mayor.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon