LUNGSOD NG BAGUIO – Ang suplay ng bakuna ng lungsod laban sa kasalukuyang pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay umabot sa 104,803 hanggang nitong Pebrero 14 ngayong taon.
Ito ay inihayag ni City Health Services Office chief Dr. Rowena Galpo sa regular na management committee meeting ng mga lokal na opisyal noong Pebrero 15, sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong sa Baguio Convention Center.
Sinabi niya na ang nakahandang mga abkuna ay kasama ang 7,961 ng Sinovac; 31,600 Astra Zeneca; 14,660, Moderna; 9,720, Pfizer (Tozinamaren) formulation para sa 5-11 taong gulang; at 37,344 Pfizer (Comirnaty) para sa 12 taong gulang at pataas.
Binigyan-diin ni Galpo na sa 1,748 doses ng Gamaleya vaccine ay mag-eexpire ngayong buwan.
Samantala, sinabi niya na may kabuuang 416 ang nabakunaan mula Pebrero 2 hanggang 10 sa ilalim ng Resbakuna sa Botika program sa Mercury Drug, Lower Session Road, na may 280 naturukan ng Astra Zeneca; 132, Sinovac; at 4 ng Moderna na bakuna.
Sa Watson sa SM malapit sa supermarket, sinabi ni Galpo na 336 mga tao ang nabakunaan mula Enero 16 hanggang Pebrero 1 kung saan 239 ay naturukan ng Astra Zeneca at 97 ng Sinovac na bakuna.
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)
February 19, 2022
February 19, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025