Maliban sa bakasyon na ng mga mag-aaral ay panahon na ng Semana Santa na kung saan ay sinasamantala ng karamihan na magbakasyon. Isa ang lungsod ng Baguio sa paboritong puntahan ng mga bakasyunista at tiyak dadagsain na naman ang lungsod. Ibig sabihin nito ay baka kulangin na naman ang lungsod ng suplay ng tubig, sisikip ang trapiko, dadami ang basura at tiyak mag-aakyatan din ang mga nananamantalang mandurukot at mahilig sumalisi. Kung may mga paraan na ang pamahalaang lungsod at kapulisan sa tiyak na problemang ito ay maigi naman. At kung hindi naman uubra ang inihandang solusyon ay may bago pa ba? Ilang taon na bang paulit-ulit ang mga problema kapag dumarating ang panahong gaya nito at hindi pa rin napeperpekto ang solusyon dito. Ano kaya ang mainam na solusyon o mayroon pa kayang solusyon na maaaring gamitin? Sana po ay mahuli na ang solusyon na ito para naman sa kaginhawaan ng mga residente ng Baguio at maging ng mga bisitang dumarayo.
April 8, 2017
April 8, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025