Mayor Ibinunyag na : “Turismo Panakip Sa Kalakalan Ng Droga sa Cordillera”

LUNGSOD NG BAGUIOSa kaniyang pagbubunyag, isang mayor ng bayan ang umamin na ginagamit ang turismo bilang kombinyenteng panakip sa kalakalan ng droga.

Sa pagkaka-aresto ng mga tao na nagpapanggap na mga turista upang makabili at makapagbiyahe ng marijuana ay sinabi ni Mayor Gabino Ganggangan ng Sadanga, Mountain Province ang pangit na katotohanan na ang turismo sa loob ng ruta sa Tinglayan, Kalinga-BontocSagada Mountain Province ay nagiging magandang panakip sa kalakalan ng droga.

“Ang mabilis na pagdami ng bilang ng mga aresto, at maaaring mas maraming hindi nadadakip sa loob ng mga lugar na ito ay nagpapakita na maraming “turista” ang palaging pumupunta ditto upag bumili ng marijuana na maaaring mga dahoon o naproseso ng langis o “chocolate”.”

Kaya matapang na inihayag ni Ganggangan na hindi nila kailanman isinulong ang turismo sa Sadanga. Sinabi niya na napansin na maraming turista, lokal at banyaga na naaresto dahil sa pagbibyahe ng marijuana ay nasa kanilang pabalik na biyahe mula sa mga lugar kung saan dumadaan sa ruta.

Ang pinakahuling paghuli ay nito lamang nakaraang linggo sa Bontoc, Mountain Province-Bugnay, Tinglayan, Kalinga road ay nagpapakita ng isang organisadong sindikato mula Metro Manila na ginagamit pati menor de edad.

Noong Pebrero 27, 2020 ay dinakip ng anti-drug operatives ang dalawang residente ng Antipolo City, isa ay 17 taong gulang lamang sa pagbibiyahe ng 4.1 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng PhP420,000 sa isang checkpoint sa Barangay Anabel, Sadanga.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera na ang mga drug couriers ay nakahanap ng paraan upang maiwasang mahalata at mahuli sa kanilang direktang transaksiyon sa mga marijuana dealers sa rehiyon ng Cordillera.

Kalimitang nagpapanggap bilang turista ang mga drug dealers na kunwaring bumibisita sa mga lugar o napapaniwala nila ang mga tao na pupunta sila sa kilalang traditional tattoo artist na si Apo Whang-od (Maria Oggay).

Ngunit ang tunay nilang pakay ay makakuha ng mga dahon ng marijuana o brick “What ever benefits derived from tourism is not worth the damage this marijuana trade and probably other illegal drug trade is inflicting to the public,” ani Ganggangan.

Isa pa, maraming negatibong epekto ito sa kanilang kulturang tradisyon at sistema ng pamantayan, pag-amin ng mayor.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon