Mayor itinutulak ang pagbabalik ng face to face classes

LUNGSOD NG BAGUIO – Itinutulak ni Mayor Benjamin Magalong ang pagbabalik ng face-to-face classes sa lungsod upang mahadlangan ang krisis sa pagaaral mula sa pagiging malala at putulin ang mga pagkawala sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral dahil sa pagsara ng mga paaralan.
Ngunit ang lahat ng ito ay depende sa kahandaan at kakayahan ng mga paaralan sa pagsiguro ng kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante
na ayon sa mayor ay kailangang madaliin.
Sinabi ng mayor na ang dalawang taon na pagsasara ng paaralan ay nakaapekto sa pagiging produktibo ng mga estudyante at ayon sa National Economic Development Authority, ang pagkawala ay nangangahulugan ng bilyong piso na pagkalugi kapag pinagusapan ang nawalang sahod sa hinaharap at produksiyon.
“We have to pursue the reopening of face-to-face classes and to do that, we have to speed up putting in place all the safety systems so as not to compromise the health and safety of our students,” ani mayor.
Sinabi ni Executive Asst. IV Althea Alberto na ang lungsod sa koordinasyon sa Commission on Higher Education (CHED) ay niliwanag ang mga panuntunan para sa mga higher education institutions (HEIs) gaya ng mga colleges at universities nagnanais na buksan ang face-to- face scheme para sa lahat ng kurso bukod sa mga nonmedical.
Kasama sa mga requirement ang inspeksiyon ng City Health Services Office at endorsement mula sa pamahalaang lungsod sa CHED.
Sinabi niya na hanggang nitong Pebrero 23, dalawang unibersidad – St. Louis University at University of Baguio – ay ipinahiwatig ang intensiyon na magsagawa ng face-to-face classes para sa ibang mga kurso. Para sa basic education institutions, ang mga panuntunan ay hinihintay pa mula sa Department of Education bagaman nakatanggap ang lungsod ng kahilingan mula sa Philippine Science High School.
Sinabi ni Alberto na bilang mga parametro, kailangan iangkop ng mga paaralan ang mga silidaralan, mga pasilidad at iskedyul dahil kailangan nilang limitahan ang bilang o mga estudyante sa bawat oras upang maipatupad ang mga protocol sa physical distancing, tamang bentilasyon at iba pa.
“It all boils down to the schools’ ability to maintain observance of the minimum public health standards,” aniya. Inilahad ng United Nation Children’s Fund (UNICEF) ang pangangailangan na nulling buksan ang mga paaralan na sinabing ang “mas mapanganib ang wala sa paaralan kaysa panganib ng nasa paaralan.”
“Classroom learning must continue to avert the learning crisis aggravated by the closure because students are falling further behind in their learning and basic reading and math skills are in sharp decline for the most vulnerable students,” aniya.
“Education is powerful tool to fight poverty children with less schooling are more likely to live in poverty for the rest of their lives. Besides, school closure is affecting the mental health of an entire generation of children,” babala nito.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon