MAYOR MAGALONG NANAWAGAN NA REPASUHIN ANG SPEED LIMIT ORDINANCE

BAGUIO CITY

Hiniling ni Mayor Benjamin Magalong ang pagrerepaso at pag-amyenda sa speed limit ordinance ng lungsod upang maisaayos ang mga paghihigpit sa bilis at gamitin kung ano ang nararapat sa isang partikular na lugar. “We have to be discerning regarding our speed limits. We need to amend our ordinance kasi may speed limits na hindi advisable,” paliwanag ni Magalong sa mga kinatawan ng city’s traffic and transportation team. Sinabi ni Magalong na tinanggihan ng aktwal na karanasan ang pagiging angkop ng mga speed limit na ibinigay sa ilalim ng Ordinance No. 18, series of 2019 o ang Speed Limit Ordinance ng Baguio City.

“We tried running at 30 kph along South Drive and it is not advisable. It should be around 40 kph. Same is true with Loakan Road, Kennon Road and Marcos Highway. We need to look at other roads where 20- 30 kph limit is not appropriate,” dagdag pa ni Magalong.
Ang Traffic and Transportation Management Division ng City Engineering Office, Traffic Enforcement Unit ng Baguio City Police Office
(BCPO) at ang City Legal Office ay gagawa ng draft ng panukalang amendment para isumite sa city council. Ang mahigpit na pagpataw ng speed limit ordinance ay isa sa mga ginawang hakbang para mapigilan ang pagdami ng vehicular traffic incidents sa lungsod.

Ang karamihang aksidente sa kalsada ay pangunahing naiugnay sa human error. Gaya ng nakasaad sa Ordinansa Blg.18-2019, ang
maximum na bilis na 20 kph ay mahigpit na ipinapataw sa loob ng Central Business District at iba pang mga pangunahing kalsada. Ang maximum na bilis na 30 kph ay nalalapat sa lahat ng panloob na kalsada. Upang matiyak ang bisa ng ordinansang ito, nagplano ang lungsod na bumili ng mga speed monitoring device, kabilang ang mga speed gun at radar sensor, upang mapahusay ang regulasyon at pagtuklas ng mga bilis ng sasakyan sa buong lungsod.

Ayon kay BCPO City Director PCol Ruel Tagel na nakabili na ng breath analyzer at ginagamit na ngayon sa field testing. Bibili ng mga
karagdagang breath analyzer sa mga darating na araw. Ang pagbili ng mga speed gun ay isinasagawa din na may mga pagsasaalang-alang para sa kalidad at pagiging epektibo sa gastos. Naglagay din ang CEO ng mga signage sa mga kalsada kabilang ang Bokawkan, Magsaysay, Loakan at Legarda para palakasin ang pagpapatupad ng ordinansa sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways. Bilang karagdagan, ang mga signage na “Slow Down” ay inilagay malapit sa mga paaralan bilang suporta sa parehong ordinansa.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon