Mayor sa Earth Hour 2022: ‘Layunin natin ang 100% Partisipasyon

LUNGSOD NG BAGUIO – Layon ng Lungsod ng Baguio ang 100 porsiyentong pakikilahok sa paggunita ng Earth Hour na nakatakda sa Marso 26 sa ganap na 8:30 ng gabi.
Hinikayat ni Mayor Benjamin Magalong ang mga residente at mga may-ari ng negosyo na sumama sa kanilang sariling mga bahay at establisimiyento sa pagpatay
ng mga ilaw, appliances o pagsunod sa mga pamamaraan ng pagtitipid ng kuryente sa loon ng kahit isang oras bilang tugon sa pandaigdigang panawagan sa krisis ng kapaligiran.
“This is a worthwhile activity considering the current fuel crisis and the continuing environmental destruction that threatens us. We all have to do our part to take care of nature,” ani mayor.
Tulad sa nakalipas na mga taon ay susuportahan ng pamahalaang lungsod ang “global lights off” na aktibidad sa pagsasagawa ng sarili nitong programa sa pagpatay sa hindimahahalagang mga ilaw sa mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Earth Hour Pilipinas National Director Atty. Angela Consuelo Ibay na ang Earth Hour ay nag-umpisa bilang isang simbolikong pagpatay ng ilaw na aktibidad noong 2007 at mula noon ay “lumaki na ito sa isang taunang misyon upang magsalita para sa kalikasan at naging pinakamalaking ordinaryong kilusan ng mundo para sa kalikasan.
“Since 2007, Earth Hour has rippled into more than 17,900 landmarks in 192 countries and territories thereby sparking an online conversation across the bringing about more than 9.6 billion impressions with related hashtags trending in 42 countries,” sinabi ni Ibay sa mayor. Sonabi niya na patuloy na nakatutok ang programa na “ipaintindi sa mga tao ang bigat ng krisis sa kapaligiran” na naranasan din sa Pilipinas nang hagupitin ito ng bagyong “Odette”.
“The last decade along was the hottest ever recorded with over 60 percent of vertebrate life already lost. Millions are faced with hunger, thirst, and poverty now amplified twofold by the COVID- 19 crisis, taking many Filipino lives with it,” ani Ibay.
“As such, we are imploring all Filipinos to participate in #EarthHour2022 as we switch off our inaction and speak up for nature, through our words but more importantly, our actions,” pagwawakas niya.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon