Media Welfare Bill magiging batas na bago matapos ang taon

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang panukala upang masiguro ang kapakanan ng mga Pilipinong mamamahayag ang maaari ng maginbg ganap na batas bago matapos ang taon, ito ang sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa ika-apat na taong anibersaryo nito.
Ang HB2476 o ang Media Workers’ Welfare Act ay layong magbigay ng mas mahusay na proteksiyon, seguridad at benepisyo sa trabaho para sa mga manggagawa sa sektor ng media. Aktibo rin naming ikinakampanya ang pagpasa sa Media Workers Welfar Act (MWWA) kasama si ACT-CIS Partylist Congresswoman Nina aduran at Congressman Eric ineda bilang principal sponsors sa Mababang Kapulungan, na may counterbill na inihahanda sa Senado ni mismong Senate President Vicente Sotto III at Senator Juan Miguel Zubiri, sinabi ni USec. Egco na isang beterenong mamamahayag.
Layon ng panukalang batas na bigyan ang mga mamamahayag at media workers na hazard pay, living wage, employment security at additional insurance at hospitalization benefits katumbas ng natatanggap ng mga manggagawa sa ibang mga industriya.
Ang PTFoMS, ang kaunaunahang ahensiya ng gobyerno sa mundo na nilikha upang protektahan ang buhay kalayaan at seguridad ng mga manggagawa sa media, ay itinatag sa pamamagitan ng Administrative Order 1 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 11, 2016.
Maliban sa pagprotekta sa buhay ng mga mamamahayag, sinabi ni USec. Egco na lubhang inaalala rin PTFoMS ang pang-ekonomiyang estado ng mga manggagawa sa media. ”We acknowledge that such ‘economic vulnerabilities’ are the biggest contributors to the problem besetting Filipino media workers.”
Samantalang sa nakalipas na apat na taon, “we have been relentless in fulfilling our mandate to protect the life, liberty and security of media workers” pahayag ni USec. Egco, na sinabing sa opisyal na data base ng gobyerno kasama mula sa mga pigura ng 1986 hanggang Setyembre 30, 2020 mayroong 184 kabuuang pagpatay sa media; 23 dito ay may kaugnayan sa trabaho at mga aktibong kaso, 59 ay walang kaugnayan sa trabahao, 53 ay saradong mga kaso at may 49 convicted cases, kabilang ang 31 convictions mula sa Ampatuan Massacre.
Binabanggit ito na ‘modest success’, kinilala ni USec. Egco na, “these would not have been possible without the active participation of PTFoMS member-agencies that includes the Department of Justice as Chair, Presidential Communications Operations Office as Co-Chair, Department of Interior and Local Government, Department of National Defense, Office of the Solicitor General, Presidential Human Rights Committee, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police and the National Bureau of Investigation.”
Gayundin, sinabi rin ng PTFoMS na kinikilala nito ang pagsisikap ng mga mapanuri at resource persons mula sa Commission on Human Rights, Office of the Ombudsman, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Mindanao Independent Press Council, National Press Club, ng Publishers Association of the Philippines, PPI, AIJC at MIPC “for their invaluable contributions to the milestones we have collectively achieved as a Task Force”.
Pinagkakautangan din ayon kay USec. Egco ang pinagsama-samang pagsisikap ng mga ahensiya ng gobyerno at manunuri sa breakthrough sa ranking ng Pilipinas sa taunang Global Impunity Index o GII at kaparehong mga reports ng iba-ibang independent global media watchdogs sa paghatol noong Disyembre 19,2019 sa mga pangunahing suspek sa Ampatuan Massacre.
“Much has to be done though,” pag-amin ni USec. Egco, habang marami-rami na rin ang nagawa kung sa papel ng Task Force ang pag-uusapan sa pagpapahusay sa sitwasyon ng karapatang pangtao sa bansa, lalo na ang pangangalaga sa kalayaan ng pamamahayag. “Rest assured that the PTFoMS, like we did in the past four years, will always rise up to the challenges now and henceforth in defense of our sacred freedoms and our democracy.”
AAD-PMCJR.-ABN

Amianan Balita Ngayon