MENTAL HEALTH, PINALAWAK SA KALALAKIHAN

BAGUIO CITY

Ang paghingi ng tulong sa Mental Health, lalo na sa mga kalalakihan, ay napakahalaga, ayon kay Ricky Ducas Jr., Mental Health and
Substance Use Coordinator. Ayon sa statistics, ang mga kababaihan ang may pinakamataas na help-seeking behavior, gayunpaman, ang
City Health Services Office Mental Health and Wellness Unit (CHSO-MHWU) ay nagbibigay ng pansin sa pagpapalawak ng Mental
Health awareness para sa mga kalalakihan. Nakita rin ang pagtaas ng help-seeking behaviors ng mga kabataan, na nagpapakita na
maraming tao ang may alam sa kanilang serbisyo.

Ang tanging focus ng CHSO-MHWU ngayon ay ang pagbigay ng awareness sa mga magulang upang matulungan sila sa pag-unawa sa kanilang mga anak tungkol sa Mental Health. Ayon kay Ducas, “Hindi nakakahiya ang paghingi ng tulong. Ang Mental Health ay parang ibang karamdaman din tulad ng hypertension, diabetes, at iba pa na may mga sintomas. May mga doktor na handang tumulong sa atin. libre po lahat ang serbisyo dito.”

Ang matinding hamon ng CHSO-MHWU ay ang pagbawas ng mga kaso ng pagpapakamatay at pagtulong sa mga taong may Mental Health concern na ayaw magpa-gamot. Ang kanilang serbisyo ay para sa lahat ng sektor, kabilang ang pagbibigay ng mental health policy sa workplace, mga programa para sa mga taong may Mental Health concern, at pagbibigay ng mental health awareness sa mga caregiver o sa mga pamilyang naulila. Ang kanilang programa ay nakabatay sa ordinansa ng lungsod at sa Republic Act 11036, o ang Mental Health Act. Sa huli, ipinahayag ni Ducas, “Kayo lang po ang inaantay namin.” Ito ay isang paanyaya sa komunidad na nagpapayo at nagpapalakas ng kanilang Mental Health.

Hubert Balageo/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon