Mga abandonadong kahoy, nakumpiska sa Ifugao

Nagsagawa ng surveillance ang mga tauhan ng Kiangan MPS kasama sina James Bulong Baguilat at Gabriel Bahingawan, kapwa foresters ng CENRO Lamut, Ifugao; kaugnay ng implementasyon ng  Executive Order Number 23 o “Moratorium on Anti-Illegal Logging” sa ilalim ng AOR na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga abandonadong kahoy sa gilid ng kalsada ng Bokiawan, Kiangan, Ifugao na mga sumusunod: isang piraso ng Aliguyon 2x7x10; dalawang piraso ng Aliguyon 2x7x8; dalawang piraso ng gmelina 2x7x8; dalawang piraso ng Acasia 2x10x11; at tatlong piraso ng gmelina 2x7x12, na may kabuuang 127.4 board ft. at nagkakahalaga ng P3,822.
Sa kabilang banda, parehong mga tauhan din ang nakakumpiska ng mga abandonadong kahoy sa Sitio Ala, Baguinge, Kiangan, Ifugao na may sukat na: isang piraso ng gmelina 2x8x10; isang piraso ng gmelina 2x7x10; isang piraso ng gmelina 2x10x8;  at limang piraso ng Acasia 2x9x5 na may kabuuang 75.7 board feet at market value na P2,271. ABN

Latest News

Amianan Balita Ngayon