Mga ahensiya ng gobyerno nagsama laban sa hoaders, profiteers sa Pangasinan

PANGASINAN – Nagsama-sama ang mga law enforcement agencies sa Pangasinan at Department of Trade and Industry (DTI) upang ipatupad ang memorandum circular sa antihoarding at anti-panic buying sa gitna ng krisis sa kalusugan dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Natalia Dalaten, provincial director ng DTIPangasinan na isang grupo na binubuo ng mga empleyado ng DTI at enforcers ng National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Philippine National Police (PNP), ang pinaigting ang tuloy-tuloy na kampanya nito laban sa hoarders at profiteers upang masiguro ang sapat na suplay ng mga pangunahing produkto at pangangailangang medikal sa Pangasinan.
Sinabi ni Dalaten na ang mga online sellers at retailers sa Pangasinan na napatunayang nagsasagawa ng price manipulation ang inaresto sa ilang entrapment operations na patuloy na isinasagawa ng composite team.
Sinabi niya na ang mga naarestong online sellers at retailers sa ginawang mga operasyon ay kakasuhan ayon sa isinasaad ng Republic Act 7581 o ang “Price Act”.
“Any illegal acts of price manipulation such as hoarding, profiteering and cartel is prohibited, in which a person could be penalized with administrative fine amounting from Php1,000.00 but not more than Php1 million, and criminal charges with a fine of Php5,000.00 to Php2 million or imprisonment of not less than five years but not more than 15 years,” ani Dalaten.
Sinabi ni Danzen Imus, trade and industry development specialist ng DTI-Pangasinan na mula Marso 23 hanggang 28 ay nagsagawa ang composite team ng 10 magkakahiwalay na entrapment operations sa probinsiya kung saan 13 tao ang natagpuang nagtatago at nagbebenta ng overpriced na medical supplies at nakumpiska sa kanila ang kabuuang PhP227,435.00 halaga ng medical supplies.
Idinagdag niya na mula Abril 3 hanggang 9 ay limang operasyon ang matagumpay na isinagawa sa Urdaneta City, Lingayen, San Carlos City at Mangaldan.
Sinabi niya na inaresto ng grupo ang anim na tao at nakumpiska sa kanila ang mga medical supplies na nagkakahalaga ng PhP201,440.00.
Gayundin, nanawagan si Dalaten sa lahat ng retailers at online sellers sa probinsiya na huwag ng gumawa ng price manipulation at ipagpatuloy ang suporta sa gobyerno sa pagbibigay sa mamimiling publiko ng ready access sa basic goods at medical supplies sa rasonableng mga presyo at itrato ang sitwasyon ng health emergency bilang isang seryosong bagay.
“The Anti-Hoaders and Profiteers Composite Team assured the public that they will continue these operations to track down hoarders, profiteers or price manipulators in the province to ensure that the price of basic necessities and medical supplies are within the suggested retail prices,” ani Dalaten.
Hinikayat din niya ang publiko na huwag tangkilikin ang overpriced products at ireport ang sinumang indibiduwal o retailer na hindi sumusunod sa mga probisyon ng anti-hoarding at antipanic buying upang matulungan ang gobyerno sa kampanya nito.
Para sa mga reklamo at pag-uulat, sinabi niya na maaaring tumawag ang publiko sa One-DTI (1- 384) hotline o magpadala ng e-mail sa [email protected] o tumawag sa DTI-Pangasinan office sa telephone numbers (075) 515-3183 / 529-6177 o mag e-mail sa r01.pangasinan.dti.gov.ph.
EMSA/PIA Pang/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon