Mga bangko sinabihang tanggalin ang business permit requirement sa mga transport coop

LUNGSOD NG BAGUIO – Hiniling ng mga opisyal ng lungsod sa Land Bank of the Philippines (LBP) na agad alisin ang requirement na business permit sa mga transport cooperatives o corporations sa kanilang aplikasyon para sa pagbubukas ng bank accounts upang makakuha ng service contract program o iba pang inisyatibo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) o ng Department of Transportation (DOTr).
Sa ilalim ng Resolution No. 143, series of 2022, sinabi ng mga konsehal na kailangan intindihin ng mga government banks ang kakaibang sitwasyon ng lungsod at ang mahirap na klagayan ng mga transport cooperatives o corporations dahil kinilala na sila bilang isang legal entity ng kanilang certificate of registration sa Cooperative Development Authority (CDA) o ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ipinunto ng konseho na karamihan ng transport cooperatives corporations sa lungsod ay bagong tatag at ang office address na naideklara sa address of an officer o isang miyembro ng cooperative o corporation at halos lahat sa kanila ay walang anumang busiess permit.
Nauna dito ay hinihingi ng LTFRB sa transport cooperatives ocorporations na magbukas ng kanilang bank accounts sa government bank para makauha sila ng service contract program o iba pang kaugnay na mga programa ng ahenisya o ng DOTr.
Gayunman, hinihingi ng LBP sa mga transport cooperatives at corporations na magpakita ng kanilang business permit bulang isa sa kinakailangang dokumento para sa pagbubukas ng hinihinginh bank accounts para sa layuning makakuha ng mga tulong- programa ng LTFRB o DOTr ukol sa public transport.
Ayon sa konseho, isang requirement sa aplikasyon ng business permit sa City Permits and Licensing Division ng City Mayor’s Office ay locational o zoning certificate mula sa City Planning and Development Office (CPDO) at ng City Market office para sa mga nasa city public market.
Isa pa, hinihingi rin ng CPDO sa mga aplikante ng business permit na magprisinta ng titulo ng lupa o tax declaration ng real property at building permit na isa sa mga maiinit na isyung kinakaharap ng pamahalaang lungsod dahil hindi narenew ng maraming mga negosyo ang kanilang permit dahil sa mahigpit na requirements.
Ang mga kopya ng nasabing resolusyon ay ipapadala sa LBP para sa kanilang ipormasyon, gabay at ready reference upang masiguro na makukuha ng mga transport cooperatives at corporations ang iba’t-ibang public transport-related programs ng mga concerned government agencies.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon