Mga barangay, inutusang ipatupad ang anti-smoking drive

Metro BLISTT

Inutusan ng Anti-Smoking  Task Force ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang mga barangay na ipatupad ang
kampanyang Smoke-Free Baguio sa kanilang komunidad.

“For this campaign to materialize, we need the 128 barangays to participate, and to be informed about the ill effects
of smoking, especially among the youth, since a lot of smokers nowadays start at a young age,” ani Konsehal Joel
Alangsab, chairman ng committee on ethics, governmental affairs, and personnel ng konseho, sa ginanap na regular meeting ng Anti-Smoking Task Force noong Oktubre 16, 2018.

Ibinaba ni Mayor Mauricio Domogan ang Administrative Order (AO) 136 noong Setyembre 8 upang bumuo ng
community at district task forces na magpapatupad ng anti-smoking ordinance sa Baguio na ipinasa noong Mayo
2017.

Ani Alangsab, pinapahintulot ng AO ang paggawa ng community at district task forces upang tulungang ipatupad ang Ordinance 34-2017 na nagbabawal sa paggamit, pagbenta, distribusyon at ianunsyo ang sigarilyo at anumang tobacco products sa mga piling lugar, magpapataw ng mga parusa, at magtutulak ng mga katumbas na multa.

Aniya ang mga nakatalagang barangay at district task forces ay sasailalim sa pagsasanay ng tamang implementasyon ng panukala.

“We would want to involve everybody here, encouraging them to have a passion for saving our air in Baguio City,” aniya. “We really need the help of the communities for this advocacy to materialize, and of course, to encourage the residents to help report violators,” dagdag niya.

Kasama ang Peace and Order and Safety Division ng lungsod at ng Baguio City Police Office, magdadaos ang task force ng regular spot inspections sa mga establisimyento upang pilitin ang mga negosyante, mga naninigarilyo, at ang publiko sa kabuuan, na sumunod sa ordinansang Smoke-Free Baguio. P.M.GEMINIANO, PNA / ABN