LUNGSOD NG BAGUIO
Pitong mga bayan sa Pangasinan at 12 sa La Union ang nagsuspinde ng mga klase noong Huwebes dahil sa masamang panahon dulot ng napaigting na southwest monsoon o “habagat.”
Sa Pangasinan, kinansela ang mga klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Sual, Infanta, Burgos, Bani, Anda at Agno, samantalang ang suspensiyon sa bayan ng Bolinao ay mula preschool hanggang elementarya lamang.
Sa La Union, ang mga klase ay sinuspinde sa mga bayan ng Agoo, Bacnotan, Bagulin, Balaoan, Bangar, Bauang, Caba, Luna, Pugo, Rosario, Sudipen, at Tubao. Ang klase sa Bacnotan, Bauang, at Rosario ay hanggang kolehiyo ang suspensiyon. Sa isang panayam sa telepono noong Huwebes, sinabi ni Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) weather monitoring staff Keeiven del Rosario na ang mga suspensiyon sa Pangasinan ay lokal o sa ilalim ng diskresiyon ng local government units depende sa sitwasyon ng panahon sa kanilang lugar.
Sinabi niya na katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan ang naranasan sa probinsiya. “There are still no evacuees or flooded areas in the province and no significant untoward incidents,” dagdag niya. Sinabi ni Del Rosario na base sa forecast ng weather bureau, magpapatuloy ang mga pag-ulan
sa darating na mga araw dahil sa pagpasok ng severe tropical storm Hanna sa Philippine Area of Responsibility at palalakasin ang southwest monsoon.
Pinaalalahanan niya ang mga mangingisda na isang gale warning ang itinaas noong Huwebes kaya ipinagbabawal ang paglalayag at hindi inirerekomenda ang pagligosa dagat. Samantala, sa isang
situational report na inilabas ng La Union PDRRMO noong Huwebes, sinabi ni officer Aureliano Rullod III na ang probinsiya ay nakararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at tatlong mga lugar ang napaulat na nabaha, habang apat na bahagyang pagguho ang naitala hanggang
1:00 ng hapon noong Huwebes.
Sinabi niya na 13 mga pamilya o 58 katao mula sa bayan ng Caba at San Fernando City ay lumikas mula sa kanilang tahanan papunta sa kanilang mga kamag-anak o mga pamilya dahil sa mga pagbaha.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024