Noong nasilang ang mundo at ibinaba ng Panginoon ang kabutihan sa lupa, kasabay na bumaba ang kasamaan. Sabi ng mga pilosopo: baka mas maraming “kasamaan” kaysa “kabutihan”. Upak ng mga mas magagaling na pilosopo: “May masama para subukin ang matino. Maryusep..ano ba ireng mga espiyang ito ng buhay natin….sige, upakan natin, pards. Kamakailan lang…napaguusapan ang isyu ng mga “espiya” di umano ng Tsina sa bansa gaya ng mga sandamukal na estudyante raw mula Tsina na nasa Cagayan. Bakit daw pinili nila ang Cagayan samantalang napakaraming malalaking unibersidad sa NCR.
Umaabot daw ng milyones ang kanilang ginagastos para makakuha ng diploma. Yan ang dahilan kung bakit, lumutang ang haka-hakang baka naman daw mga espiya ang mga eto lalo may mga estrakturang pangdepensa ng bansa sa naturang rehiyon kung saan sila naroon. Bakit daw? Di pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon sa isang kontrobersiyang Mayor. Kinukutohang maigi ng mga taga-senado ang pagkatao ni mayorang ito at may bumubulong na baka raw ito ay isa ring “espiya” ng Tsina” dahil napaka-bastante raw sa halos lahat ng pag-aari. Tambak ang “yaman” na ayon sa mga nagtatanong, “kaduda-duda” diumano kung saan galing.
Iniuugnay pa ang Alkalde sa operasyon ng POGO (offshore gaming operations). Pero todo naman ang igtad ng kanyang kampo. Sabagay…dito magaling ang mga abogado – sa akusasyon at kontra depensa. Tiyak, magtatagal pa ang isyu na ito at baka marami na namang malalaking isyu na makakasabayan ng eksenang ito. Tiyak mapapagud na naman ang mga mambabatas sa kai-imbistiga. Tsk tsk..di lang pala taga-gawa ng batas ang mga ito…mga imbistigador narin pala.
Kontrobersiya!!!! Tiyak usap-usapan na sa buong mundo ang “kudeta” daw sa Senado kung saan may bago na silang Senate President sa katauhan ni Sen. Pres. Chiz Escudero. Grabe!! Mantakin mong mismong ang bagong Senate President na si Chiz ang umaming siya ang promotor sa kudeta kontra Dating Senate President Juan Miguel Zubiri? Sabi pa nga sabalita na may labinglima (15) senador ang pumirma para alisin si Zubiri sa pagiging Senate President.
At sa labinglimang ito, si Escudero ang naunang pumirma. At si Sen. Bato dela Rosa ay humihikbi. Whaaaatt??? Sabagay…kung “hudasan” ang usapan…kahit pa noong panahon ni Hesukristo…may naganap ng hudasan.
Ipinagkanulo sya ni Judas. Kahit sa paraiso nina Eva at Adan, ahas ang hudas kaya nagkasala si Eva at Adan ng kainin nila ang bawal na mansanas. HAyyyyy??/ !!!@@@@ Talagang grabe na ang presensiya ng mga mga hudas sa
lupa. Lalo na sa West Phil. Sea kung saan inaagaw ng Tsina ang ating teritoryo. Bakit daw ba kasi malakas ang loob nila na angkinin ang atin? Aba’y may nabulgar na noon daw panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, nagkaroon daw ng kasunduan na tubig at pagkain lang daw ang maaring dalhin sa BRP. Pero sabi ng mga dating mga opisyal ng gobyerno, pati mga materyales para i-repair ang BRP ay dinala doon. Yan daw ang simula ng tensiyon. So ibig bang sabihin, na pati sa usaping agawan sa teritoryo ay may mga “hudas” din? Buhay nga naman. GOD KNOWS HUDAS NOT PAY! Bilog ang mundo.
Adios mi amor, chao, mabalos
May 26, 2024
May 26, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024