Mga iligal na istruktura sa Benguet communal forest giniba

LA TRINIDAD, Benguet – Upang maisalba ang natitirang forest cover ay giniba ng bayan ng La Trinidad ang mga iligal na istruktura sa loob ng Puguis Communal Forest.

Kasama ang personnel ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Cordillera ay giniba ang mga iligal na istruktura na umusbong na parang kabute ng mga tauhan ng lokal na gobyerno sa isang mainit at emosyonal tanghali noong Huwebes.

Umugong ang protesta ng mga illegal claimants na kahit mga puntod ay giniba sa kagubatan na nagsisilbi ring watershed ng La Trinidad.

Ang mga claimants na pinamumunuan ng dalawang pamilya – Tiotioen at Isican – ay binatikos ang desisyon ng lokal na gobyerno subalit pinanindiganan no La Trinidad Municipal Environmet and Natural Resources Officer Arthur Pedro na ang ‘demolisyon noong Huwebes ay base mula sa desisyon at direktiba ng isang lokal na korte laban sa illegal settlements sa loob ng communal forest.’

Isang demolisyon ang nauna ng itinakda noong 2019 ngunit naantala dahil sa nagpetisyon ang mga apektadong pamilya ng isang TRO at injunction laban sa lokal na gobyerno ng La Trinidad.

Kamakailan ay nagdesisyon si Judge Danilo Camacho ng La Trinidad Regional Trial Court Branch 62 laban sa “claim” ng tagapagmana ng Tiotioen na sinabing, “it appears unfounded and without basis”.

Tinanggihan ni Camacho ang petisyon ng mga tagapagmana na bawalan ang lokal na gobyerno sa pagpapatigil ng konstruksiyon at kumpiskahin ang mga materyal sa loob ng 180,504 square meter na kagubatan.

Nagdesisyon pa ang korte na ang lupa ay hindi kailanman idineklara bilang “alienable and disposable” at hindi kailanman natigil na bahagi ng pag-aari ng gobyerno. Idinagdag pa ng korte na pananaitli nito ang pagpapatupad ng memorandum ng lokal na gobyerno “dahil ito ay sa proteksiyon at preserbasyon ng pag-aari ng gobyerno at public domain”.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon