Napakabilis ang pag-inog ng mundo. Ang naganap kahapon ay maaring mauulit bukas. Ang masaklap, ang mga
pangyayari sa dantaon na ay muling nagpapahiwatig sa kanyang pagbabalik sa kasalukuyan. Ito ang tema ng mga eksena, mga isyung dapat nating tutukan: Kamakailan, pumutok ang bulkang Kanlaon sa Negros. At sa kanyang kasaysayan, ayon sa tala ng Philvolcs…pumutok na ito minsan noong 1800 at ngayon lang naulit. Di man gaanong malakas at mapaminsala ang pagputok nito sa ngayun…nakakapagdulot pa rin ng matinding pangamba.
Di pa rin naalis sa isipan ng ating mga kababayan ang mga pinsalang idinulot ng mga bulkang pumutok gaya ng Bulkang Mayon at Bulkang Pinatubo. Di hamak ang sinapit ng ating mga kababayan dahil sa mga bulkang ito. Kaya sa pagsabog ng bulkang Kanlaon, maging alerto sana ang ating mga kababayang apektado. Sumunod sa batas para sa kanilang kaligtasan. Malapit na naman ang isa pang yugto ng mga eleksiyon (2025) sa ating bansa. Marami tayong
dapat tutukan sa ganitong panahon. Una, gagana muli ang bagsik ng pera.
Dahil sa kahirapan, marami sa atin ang kakapit sa kinang ng salapi, kapalit ng maling desisyon sa pagpili ng ating ihahalal na mga opisyal. Pagkatapos ng halalan at nakaupo na ang (ilan) mga sinuportahan natin, magsisimula ang singilan. Pera ng sambayanan ang kinukurakot. Magiging salot na at parang buwaya sa kasakiman. Hindi naman po nilalahat. Kaya tutok lang mga pards sa isyupulitika. Yang nagaganap sa West Phil. Sea…kinakailangang sundan at
tutukan natin hanggang sa kaliitliitang himaymay. Kamakailan…may naganap na namang pam-bubully ng Tsina sa
atin. Nang agawin ng mga Instik at pinagtatapon sa dagat ang mga ayuda na para sa ating mga sundalo at kababayan sa Ayungin Shoal.
Grabe na ang ginagawang kagaguhan ng mga Instik na yan. Tinitiris na tayo nang husto. Marami ng impit na sigaw na gusto nang gumanti at gumamit ng kamay na bakal. Ito ang dapat tutukan, pards: lahat na yata ng parte ng mundo ay napakaraming Tsino at may tatag na silang mga komunidad (Chinese Community). Ano kaya ang pakay? Dito na lang sa atin…may nahuli na silang Tsino na hinihinalang “Espiya” ng Tsina dahil sa mga kagamitang nakumpiska sa kanya. Kung totoo man ito, maging mapanuri tayo at dapat may nakahandang alternatibo sa ano
mang balak nilang gawin.
Ang mga kababayan nating nagtatago sa batas ….dapat din nating tutukan at sundan kung ano ang nangyayari. Nariyan sina Pastor Quibuloy, dating Rep. Teves at iba pa na sa halip na harapin na ang kanilang mga kaso, patuloy
silang tinutugis. Tila ba napakahina ng ating “law enforcement” at kayang-kayang nilang iwasan. Hindi naman nagpapabaya ang ating mga otoridad sa pagpapatupad ng mga tuntunin…kaso lang, kung sa ngipen sana…ay BUNGI! Pera ulit kaya ang dahilan? Itanong sa kalabaw! Sadyang maraming pagsubok saan man sa mundo. Kailangan lang ng tatag at tibay ng loob at napapanahong diskarte upang malutas ang mga suliranin at mapalagpasan ang mga pagsubok. Sa tulong ng wagas na pananalig sa Panginoon. Adios mi amor, ciao, mabalos.
June 8, 2024
June 8, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024