LUNGSOD NG BAGUIO – Ang recovery rate sa coronavirus disease (COVID-19) ng lungsod ng Baguio ay nasa 50 porsiyento hanggang noong Mayo 4, 2020 sa paggaling kamakailan ng isang pasyenteng nurse, ang ika-15 nakaligtas sa sakit sa 30 kumpirmadong kaso sa lungsod.
Ang fatality rate ay nasa tatlong porsiyento o isang pagkamatay sa 30 pasyente. “This means that when one contracts the virus, she or he has a three percent chance of dying,” sinabi ni Dr. Donnabel Panes, head ng City Epidemiology Surveillance Unit ng City Health Services Office sa management committee meeting sa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong noong May 4.
Iprinisinta ni Panes ang epidemiology ng COVID cases ng lungsod na magkasamang ginawa ng CHSO at ng University of the Philippines upang maitatag ang distribution at determinants ng mga kaso sa lungsod.
Ayon sa ulat, ang distribution as per case classification ng mga pasyente ng Department of Health ay confirmed cases — 3 percent; suspect cases — 89 percent; probable — 8 percent.
Ang average age ay 46 na may age range na 8 araw hanggang 77 taong gulang. Binigyan-pansin ni Panes na karamihan ng mga nahawa ay nagtratrabaho na o nasa loob ng grupong edad na 30-40 at 40-50 taong gulang at mayroong mas maraming babaeng pasyente kaysa lalake.
Sa clinical classifications ng mga kaso, 40 percent ang mild symptoms, 37 percent moderate symptoms, 20 percent asymptomatic at 3 percent death.
Sa presensiya ng comorbid conditions, 63 porsiyento ng mga pasyente ay nagkaroon gn pre-existing conditions at 37 porsiyento ay wala. Apat ang may diabetes, tatlo ang may hypertension at siyam ang may ibang isang problema sa kalusugan bawat isa.
Apatnapu’t tatlong porsiyento ng mga pasyente ay nalantad sa isang health facility, 37 porsiyento ang may kasaysayan ng paglalakbay sa National Capital Rgeion, 10 porsiyento ang naglakbay sa ibang bansa at 10 porsiyento ang walang travel history.
Sinabi ni Mayor Magalong na ang datos ay makakatulong gabayan sila sa adoption at fine tuning ng control measures na ipinapatupad upang masugpo ang sakit.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
May 9, 2020
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025