Mga kaso ng dengue sa Baguio dumoble nitong 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Dumoble ang pagkamatay dahil sa nakakamatay na dengue fever virus dito sa Cordillera sa taong ito, ayon sa ulat ng Department of health (DOH-CAR).
Dalawampu’t-dalawa ang namatay mula Enero 1 hanggang Nobyembre 16 sa taong ito kumpara sa labing-isa lamang na pagkamatay na may kaugnayan sa dengue noong 2018.
Sinabi ng regional epidemiology and surveillance unit (RESU) ng DOH-CAR na nasa 8,818 dengue suspect cases ang iniulat ng iba’t-ibang district health units sa palibot ng rehiyong Cordillera mula Enero 1 hanggang Nobyembre 16, 2019 na may 9 porsiyentong pagtaas kumpara sa 8,065 dengue cases na naitala sa parehong peryodo noong nakaraang taon.
Nabigyan pansin ang clustering ng mga kaso sa iba’tibang bahagi ng rehiyon kung saan ilang mga bayan sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao at Mountain Province ang nakitang lumagpas sa epidemic o alert threshold.
Dati-rati, ang dengue fever ay may sinusunod na isang “syclic trend” ngunit ngayon ay nagbabala ang departamento ng kalusugan na ang dengue ay naging isang buong-taon ng sakit na seryosong nagbabanta sa mga buhay ng tao na hindi agad nabibigyan ng atensiyon medikal.
Ang dengue fever ay sanhi ng alinman sa 4 na zero types ng dengue virus kung saan lahat ng nasabing strains ay mayroon sa Cordillera.
Sinabi ng mga eksperto na ang isang “infected day biting female aedes mosquito” ay nagdadala ng viral disease sa mga tao at ang tipo ng lamok na ito ay nabubuhay sa malinaw at di-gumagalaw na tubig.
Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan na ang mga kaso ng dengue fever ay napaulat sa buong taon ngunit ang bilang ay kalimitang tumataas sa panahon ng tag-ulan na maaaring lumaganap pa kung hindi ito maaagapan at bigyan ng kaukulang atensiyon.
Kahit sinabi ng mga opisyal ng kalusugan na nagagamot ang dengue fever, kailangan ang mga taong may impeksiyon ng nakakamatay na sakit ay mabigyan ng angkop na atensiyon medikal ng maaga dahil mabilis na bumababa ang blood platelets ng mga taong may sakit.
Maliban sa mahabang mataas na lagnat, malimit magkaroon ang mga taong may dengue fever ng mga “dark spots” sa kanilang balat na indikasiyon na ang sakit ay nasa advance stage na.
Kalimitang pinapayuhan ang mga pasyente ng dengue na i-hydrate ang mga sarili ng iba’tibang uri ng likido na makakatulong mapalakas ang kanilang immune system.
 
AAD/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon