Dati ay hanggang sa balitaktakan lang. Nangyari ang arestuhan. Napunta sa kulungan. Sus Maryusep a babassit ken dadakkel! Sige, arya na ang birada para makarami tayo, ika naman ng mga pards nating atat na atat nang malaman ang katotohanan. Nagwakas na kasi sa Kongreso ang imbestigasyon tungkol sa Extra Judicial Killing o EJK. Hinihintay pa ang talakan sa Senado hinggil naman sa kaso
ni VP Sara at baka idagdag na nila ang kay Digong. Arya Daplis!
Bago naganap ang napaka-kontrobersiyang kaganapan hinggil sa pag-aresto kay dating pangulong Duterte dahil sa desisyon ng ICC…nasa Hong Kong ang mag-amang Digong at Sara na dumalo sa isang pagtitipon ng mga OFWs doon. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Interpol (International Police) sa basbas ng ICC…naaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte pagkalabas ng eropuerto natin.
Dito nagkaroon ng mga sala-salabat na mga opinyon.
Kanya-kanyang hiyawan sa hanay ng mga maka-Duterte at kontra-Duterte lalo na sa grupo ng mga magulang at angkan ng mga biktima ng Extra Judicial Killings (EJK) noong panahon ni Digong. Kasunod din ang paliwanag ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. na wala itong kinalaman sa mga hakbang na ginawa ng ICC. Binigyang-diin ni Pres. Bongbong na naganap ang ICC vs. Duterte noon pang 2017 at
kasalukuyang Pangulo si Duterte. Wala pa sa eksena ang pangalang Marcos.
Taliwas sa mga haka-haka at kuru-kurong may kasamang paratang na may manipulasyon diumano ang kasalukuyang administrasyon sa mga nangyayari kay Digong. Taliwas din ito sa reaksiyon ni VP Sara. Tsk tsk talagang sala-salabat na mga kaganapan ang ibinunga ng pagkaka-aresto kay Digong na sa ngayun ay nasa The Hague, Natherlands na sya. Ayon sa mga eksperto, mananatili si dating Pangulong
Duterte sa The Hague sa kustudiya ng ICC. Iimbestigashan ang kanyang kasong Crimes Against Humanity.
Matatandaan na nang makunan ng reaksiyon ang dating pangulo…sinabi nito na “hindi daw niya alam ang kanyang kaso kaya nagtataka siya kung bakit siya inaresto”. Nagkakaroon din ng palaisipan kung ano ang susunod na hakbang sa korte ng Netherlands. Tanong pa:
lahat kaya ng mga angkan ng mga biktima ng EJK ay dadalhin sa Netherlands? Sabi nga ng mga balita, baka raw mga pitong libo o mahigit pa ang nabiktima. Aba’y sa dami nila…matatagalan ang letigasyon.
Sa edad na walumpo ni dating Pangulong Digong…kakayanin pa kaya nya ang imbestigasyon na di tiyak kung gaano kadali o katagal? Sa kasalukuyan, ngiti hanggang teynga ang mga kontra Digong at yong mga pulitikong kapanalig ng dating pangulo ay maaring
nangangamba na baka di sila makakalausot sa darating na eleksiyon. Maala-ala ng Daplis, bago nadala sa The Hague si Ex-Pres. Duterte…nakunan ng larawan ang pamilya nito. Naroon ang kanyang asawa at anak.
Kasunod ang mga maanghang na mga alegasyon o reaksiyon ng anak nitong si Ketty Duterte. Tiyak na matatandaan ang pangalang ito pagdating ng eleksiyon sa 2028, hindi lang si VP Sara. Sa kabilang panig, may nagawa na ring pangalan ang angkan ni Pres. Bongbong
Marcos. Bumibida na rin nang pangalang Zandro Marcos na isa ng representante sa kabila ng medyo naninimbang pang si Sen. Imee Marcos. Hindi kaya Duterte – Marcos pa rin ang labanan sa eleksiyon sa 2028? Abangan ang susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao,
mabalos.
March 15, 2025
March 15, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025