BAGUIO CITY
Ipinahayag ni Senior Fire Officer IV Raul Doctolero ang mga nakamit ng Bureau of Fire Protection para sa taong 2024 sa Baguio City Hall noong Marso 3, 2025. Ang departamento ay gumawa ng makabuluhang hakbang sa pagpapabuti ng fire safety at emergency response capabilities. Nag-isyu ang departamento ng 22,588 fire safety inspection certificates para sa mga permit ng negosyo at occupancy permit, at isinagawa ang 547 fire safety evaluations upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng fire safety sa mga negosyo, establisimento, at tirahan.
Ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ay humantong sa pagkolekta ng P20,951,284.95, na mahalaga para sa pagpapabuti ng mga kakayahan sa pag-upgrade ng mga kagamitan, at pagpapabuti ng mga programa sa fire safety.
Ang departamento ay pinalakas din ang kamalayan ng publiko sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga fire drill at
mga seminar sa mga pribado at gobyernong establisimento. Ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paghahanda sa
pag-iwas sa mga sakuna. Sa kabila ng mga aktibong hakbang, ang departamento ay tumugon sa 96 insidente ng
sunog. Sila ay na-deploy 452 beses upang magbigay ng tulong at pagtiyak ng mabilis at epektibong mga pagtugon sa
emergency. “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa.” Pahayag pa ni Doctolero.
Jhawe Saldaen/ UB-Intern
March 8, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025