MGA NANALONG CONGRESSMAN, GOVERNOR, VICE GOV, SA CORDILLERA

BAGUIO CITY

Ipinahayag na ng Commission on Elections ang mga nanalong Congressman,Gobernador at Vice Governor sa anim na lalawigan ng rehiyon ng Cordillera,noong Mayo 13. Sa Abra, nagbago ang panahon ng pulitika, matapos muling makabalik sa puwesto bilang Gobernador si Eustaquio “Takit” Bersamin, na landslide victory sa katunggali na si Kiko Bernos, anak ni Vice Governor Joy Bernos, na natalo din. Ang pamangkin ni Takit na si Anne Bersamin, ang nanalo namang Vice Governor, samantalang landslide victory din ang pagkapanalo ni La Paz Mayor JB Bernos, bilang Congressman. Napanatili naman ng Bulut family ang kanilang pwesto na sina Congressman Eleanor Bulut-Begtang at Gov Elias Bulut,Jr. at Vice Governor Kyle Bulut-Cunan, sa lalawigan ng Apayao.

Sa Ifugao, muling nanalo si Gov. Jerry dalipog at Congressman Solomon Chungalao, samantalang Vice Habawel,Jr. Napatili din ni Gov. James Edduba ang kanyang pwesto sa lalawigan ng Kalinga, samantalang Congresswoman naman si Caroline Agyao at Vice Gov si Dave Odiem. Naihalal muli si Gov. Bonifacio Lacwasan,Jr., para sa kanyang ikatlong termino sa Mt. Province at Cong Maximo Dalog Jr., samantalang Vice Governor naman si Jet Dominguez. Sa Benguet, muling nanalo sa pamamagitan ng landslide victory si Congressman Eric Yap, kasama ang kanyang kaalyado na sina re-elected Governor Melchor Diclas at newly-elected Vice Gov. Marierose Fongwan-Kepes.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon