Nais ni Mayor Mauricio G. Domogan na ayusin ng dalawang opisyal ng Department of Transportation-Cordillera (DOTr-CAR) ang kanilang bangayan para sa mabuting kapakanan ng transport sector sa rehiyon.
Inamin ng mayor na ang kasalukuyang awayan sa pagitan nina DOTr-CAR regional director Jose Eduardo Natividad at kaniyang deputy na si Mahammad Naser Abbas ay nagbibigay ng sagabal sa pagpapatupad ng mga prayoridad na programa, proyekto at mga gawain sa ahensiya, lalo na ang away mula sa colorum na mga sasakyan na patuloy na nakakaapekto sa operasyon ng lehitimong franchise holders na gumagamit sa iba’t ibang daanan sa buong rehiyon.
“We want both director Natividad and Abbas to get their acts together because what is being compromised in their current rift is the greater interest of the public. We understand that the two DOTr-CAR officials are already being investigated by their central office so we will simply await the resolution of higher authorities on the charges against them if there is no way for them to shape up,” diin ni Domogan.
Ipinaalam ni Natividad kay Domogan na ang away ay hindi nagmula sa kaniyang kampo at sinimulan ni Abbas ang problema sa pamamagitan ng walang basehan na mga paratang laban sa kaniya sa kabila ng kaniyang katwiran na sila’y itinalaga sa rehiyon upang gampanan ang mandato ng kanilang opisina para isulong ang kapakanan ng transport sector at ng mga motorista.
Inihayag ni Domogan na inabisuhan siya ni Transportation Undersecretary Tim Orbos na ang mga isyu hinggil sa awayan ng dalawang opisyal ng DOTr-CAR ay nakarating na sa central office at naghihintay na ilabas ang kinakailangang resolusyon upang ang tungkulin at mga gawain sa regional office ay hindi malagay sa alanganin.
Aniya, tinatanggap ng lungsod ang mga indibidwal at grupo na nais tumulong sa lokal na pamahalaan upang ipatupad ang mga city ordinance subalit ang problema ay namamalagi lamang kung ang mga indibidwal na ito at mga grupo ay nagkukunwaring tumutulong sa lungsod sa pagpapatupad ng batas, mga tuntunin at regulasyon ngunit ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa extortion at ilegal na gawain.
Binigyang-diin niya na kailanma’y hindi siya nagbigay ng kapangyarihan sa sinumang indibidwal at grupo na gamitin ang kaniyang pangalan upang bigyang-katwiran ang kaduda-dudang operasyon sa pagpapatupad ng batas kung kaya ang mga biktima ng extortion ng ilang nagkakamaling indibidwal o grupo ay kinakailangang magsagawa ng kinakailangang affidavit upang suportahan ang ipipilang reklamo laban sa mga umaabusong indibidwal.
Nauna rito, maraming miyembro ng transport sector sa lungsod ang pumuna sa pagpapatupad ng batas ni Abbas dahil sa diumano’y pagbabanggit sa pangalan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at ni Domogan sa ilang transactions kaugnay sa diumano’y paglabag sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng tamang franchises.
Ilang mga miyembro ng transport sector ang nagtatanong din sa pagtanggi ng mga opisyal at tauhan ng Army Reserve Command na nakabase sa Baguio Athletic Bowl na maglabas ng nararapat na adjudicated apprehension ng ahensiya nang ang pareho ay nakapasa sa pamamagitan ng masusing proseso sa kabila ng katotohanan na si Secretary Tugade at Abbas lamang ang maaaring mag-utos ng paglabas ng mga nahuling motor vehicles. BAGUIO PIO / ABN
May 19, 2018
June 8, 2025
June 8, 2025
June 8, 2025